Friday, September 2, 2011

DEBTly Hallows

Pang apat na beses na akong sumusweldo dito sa Jordan dahil ika-apat na buwan ko na dito (597 days to go! at babalik na ko ng Pinas! YES!) pero hindi ko pa din nararamdaman ang pagyaman ko. Kala ko kasi mabilis lang ang pagasenso kapag nasa ibang bansa ka. Yung para bang "Simeco" lang ang nainisip ko, na kapag nakasahod na, makakaluwang agad at masasabi ko, "Ang bilis no?" Pero hanggang ngayon hikahos pa din ako, walang naipupundar, at baon pa din sa utang sa Pilipinas.


Tama! Etong sobrang mabait niyong lingkod ay may responsibilidad pa na makabayad ng debt (para sosyal) sa Pinas. E isang araw may napansin akong rashes sa binti ko, naisip ko tuloy na pinapakulam na ako ng mga pinagkakautangan ko. Pero siempre joke lang yan dahil alam kong mababait ang mga nagpahiram sa akin. At bilang ganti ay tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamayang marunong magbayad ng kanyang utang.

Anyway, naisip ko na maraming paraan para makabayad ng mabilis:

UNA... Pwede ko silang i-kiss na lang isa-isa. Kasi pakiramdam ko ang worth ng halik ko ay medyo precious. Pero sakaling tumanggi sila sa generous offer ko na kiss ay pumunta tayo sa second way.

PANGALAWA... Pwede ako magpaalila na lang sa kanila at susundin ko lahat ng kanilang pinaguutos. Pero naisip ko na mahirap to. Pano kung sabihin nila na abutin ko ng dila ko ang ilong ko?

Pero eto ang pinakamagandang paraan na naisip ko.. MAGPURSIGI para makabayad ng utang. Pagsisikapan ko na umipon hanggang matapos ko ang pagbabayad. Tipid-tipid muna. Wala munang maluhong gadgets at kain ibon muna. Alam ko mahirap to, pero naman kapag natapos mo ay sobrang saya (parang nailabas mo ang malaki at matigas na ebs) dahil isang malaking accomplishment din yan para sakin. Eto ang pinakamagandang solusyon, ANG PAGSISIKAP.