Monday, April 23, 2012

Half-way

       Ito ang pang 365 days ng kaibigan ko sa Jordan at gumagamit din ng account na to kaso hindi na sya masyadong nagbablog ngayong taon hindi ko na din madalas nakakausap dahil mas mahal nya trabaho nya kesa sa pagkakaibigan namin. Joke.  
                   Sa dalawang taon na kontrata ang pang-isang taon ang panahon na parang napahiran ka ng  "vicks vaporub"  dahil sa ginhawang dulot nito sa pakiramdam at ngayon buwan na lang ang binibilang nya at masasabi nya na after 364 days na " More fun in the Philippines

         Alam ko sa isang taon na nilagi mo dyan e madami kang narealise, natutunan, nakachismisan,nakain na chicken, nakain na indomie, napuntahang lugar, bagong mga kaibigan, at kung anu ano pang kaanikan na  nakatulong sa personal mong pag-unlad.
      
        At dahil wala akong magawa ayan at nagdrawing na lang ako bilang celebration sa 365 days mo.  alam ko walang relate ang drawing ko. hahaha pero namiss ko kasi Pilipinas bigla nung nakita ko yung ek pati ikaw :)


Wala akong galit sa kanya o sa sarili ko.. sadyang hindi lang ako biniyayaan ng pambihirang kakayahan
     "  In friendship, you have to expect absence at some point… but that doesn’t mean an end.. all you have to do is to wait for a time and give the person a space.. Because True friendship is proven when a person has seen the best people in the world but still turn back to where it belong."








Thursday, April 19, 2012

Asang henerasyon na nga ba ako?

          Ang pagpunta sa ibang bansa na  malayo sa pamilya, kamag-anak. kaibigan at pets ay isang karumal dumal at kahindik hindi na pakiramdam.. syempre para maibsan ang lungkot sa pag-iibang bayan  ay kailangan may mapaglibangan at magbibigay ng aliw sa boring mong araw.

    Isa ako sa tagasubaybay ng Pinoy Big brother simula sa first edition nila hanggang ngayon pero hindi naman ako ganoon ka active manood sa pinas, kesa ngayon dahil wala naman kasing masyadong magawa dito.

  Sabi nila kapag napagkukumpara mo ang henerasyon mo sa henerasyon ng iba o madalas mong nasasabi na “ noon” at “ ngayon” isa lang ang ibig sabihin nyan..  humahanay ka na sa mga lumang tao.. pero ewan ko ba sa totoo lang pakiramdam ko e huminto na ang edad ko sa bente tres.. minsan nga pagtinatanong ako kung ilang taon na ko .. napapaisip pa ako.. ilan na nga ba?

   Nakakabigla lang ang ugaling pinapakita ng bagong kabataan ngayon nung pinapanood ko ang Pinoy Big brother teen edition 4.

   Ibang- ibang ang dating nila kesa sa pormahan namin dati.. ewan ko kung nabuhay ako sa makalumang mundo pero ibang iba talaga sa kanila.. gulat nga ako sa pag-uusap ng dalawa sa mga teen housemate na ang edad ay 16 years old palang.

   teen  1 : Buti boto naman ang parents mo sa boyfriend mo?
   teen 2:  oo naman! Bait nga nun e.. engaged na nga kami..
 

Hala? 16 years old? Bigla akong napatawa.
  
    At meron pang eksena doon na umiiyak ang isang housemate dahil hindi sya ang  gusto at binibigyan ng atensyon ng taong crush nya nung una  tapos makalipas ang 1 week and 3 days e mahal nya na daw kuno. 

   Hala?

    At  yung 13 years old na  pinakabata nilang teen na babae pa ay naka apat na boyfriend na.. ilang taon sya nagboyfriend?

   Bangis!

  At madami pang pangyayari na ikanagugulat ko..


   

    Nung mga panahon na yun naglalaro pa ako ng patintero, langit lupa, Chinese garter, syato, taguan, sipa, bahay bahayan, habulan, gumagawa ng bahay sa itaas ng punong santol, naglalambitin sa baging, maligo sa ilog.

  Kaya ngayon napapaisip ako…

Nung nangyari??

   Hindi naman ako against sa mga kabataan ngayon.. sobrang level -up lang talaga ang henerasyon.. hindi na ako nakakasabay...nakakagulat.. minsan nakakatakot.. 

   " Iba na talaga ang kabataan ngayon "-- yan ang linya ng lola ko dati nung buhay pa sya at nabubuhay sa panahon namin.. e ano pa kaya kung buhay sya ngayon?

Sunday, April 8, 2012

Money sent? done!

  I just want to share the typical scenario in njazz bank.. The bank that we entrusted to send the fruits of our labor for our love ones in the Philippines.. 


Saturday, April 7, 2012

Sweet Smile

  "Sa bilyon bilyong tao sa mundo ikaw ang napili ng pihikang  puso ko".. yan ang kakornihang linya na tinae ng isip ko sa Syrian patient na tatlong beses na pabalik balik sa clinic namin.  Ang korni pero korni naman talaga ang inlove sino bang hindi? papabaril ko sa luneta with 13 marching salute,. pero hindi pa naman love yun OA lang ako admiration lang.  Naalala ko tuloy yung sinabi ko sa  ex  ko nung pakalat kalat kami sa kalye tapos may paparating na sasakyan hinila  ko ang pawisin nyang kamay  sabay sabi..

" Mag-ingat ka yoko mabyuda ng maaga"
      Sabay titig sa akin at walang ibang nasabi kundi high pitched na  " iiii"   hala kinilig ang loko.

    Pero alam ko naman na sya ay isang kulangot sa tonsil  na mahirap tanggalin kaya  imposibleng mangyari.

    Natutuwa lang ako dahil nung huling araw nya na lang para sa pagpapakonsulta e nahuli ko sya na sinusundan ako ng tingin habang papalayo ako tapos paglingon ko sa kanya nag eye to eye contac kami  biglang ngiti na parang close sa isat isa at ayun sinabi nya " Thank you"  sabi ko naman  "welcome" potek kung sinabi nyang " will  you marry me" baka sa ICU ako pulutin..

 Pagpasok ko sa sterilization area napatalon ako ng 3 times high jump dinaig ko pa si Vice ganda.

   Hindi naman ako maduming babae sa katunayan nga nag dettol ako minsan pagnaliligo. Nyie! Hindi din ako nagshishare ng love story ko dahil nabababuyan este nababaduyan ako sa mga ganoong bagay pero ngayon lang dahil napapanahon.



     Bilang owepdabulyo  kailangan mo rin ng inspirasyon maliban sa Diyos, pamilya, at kaibigan. At sa araw na ito isa sya sa naging Nutri- ban pampagana sa nalalabing panahon ko dito sa Riyadh