Monday, June 4, 2012

L I F E





Kailangan nating matuto sa bawat pangyayari sa buhay natin. Madaming nagsasabi nito, pero pano nga ba?

Ngayong araw, nagising ako sa ingay dahil may sinisirang bundok dito sa tabi ng apartment namin. Mahirap ako makatulog at madaling magising. At kapag nagising na ako, pahirapan na naman matulog. Pero pinilit ko pa din magconcentrate. At sa pagcoconcentrate ko, may lumabas na hangin na nagbigay ng masangsang na amoy sa kwarto namin. Haha! Nagpumilit pa din ako na makatulog. Hanggang sa naging successful ako, kahit na gaano pa kaingay ang nasa labasan namin.

Naisip ko tuloy, parang buhay lang tong pangyayaring to. Madalas ay maraming nagiimpluwensya satin para mawala tayo sa focus ng pagabot ng mga nais nating gawin. At minsan, kahit na sumubok tayong magconcentrate para magawa natin yung gusto natin, ay pumapalpak tayo at iba ang nagiging kalabasan. Pero wag sumuko! Kailangan lang ay magtiyaga para maabot ang mga mithiin.

Isang pangyayari pa sa buhay abroad ko. Kumakain ang dalawa kong roommate ng magkaibang pagkain. Isa, buto ng kalabasa at yung isa naman ay Doritos. Parehas na masarap at gusto ko. Iniwan nila sakin ang mga pagkain nila dahil may duty pa sila. Kaya napunta ako sa matinding desisyon, ano ang kakainin ko na huli para manatili sa panlasa ko. Medyo matagal ako napaisip, mga five seconds, at naisip ko na ang gusto ko ay ang Doritos, kaya yun ang kinain ko. Pero ang naging ending, nakita ko yung Lays na nakasipit lang dito sa lalagyanan ng karoommate ko kaya yun ang last bite at taste ko.

Anong sense naman nito? Sa buhay kasi natin, haharap at haharap tayo sa matitinding desisyon na susubok satin.  Tulad ko, sobrang pinagisipan ko talaga ang pagpunta dito sa abroad. Madami akong tanong na walang sagot dati. Kakayanin ko ba? Ligtas ba sa ibang bansa? Pero madami tayong mga tinatawag na lifeline sa tunay na buhay. Kung gusto mo ng “call a friend”, nandyan ang pamilya at mga kaibigan mo na isang tawag mo lang ay bibigyan ka ng payo. Kung gusto mo naman ng “ask the audience”, nandyan ang karanasan ng mga taong kakilala mo na pwede mong ipattern ang ginawa nila sa gagawin mo. At kung gusto mo ng “50:50” na mas magiging tiyak ang tagumpay mo. Nandyan si Bro na lagi kang handang tulungan, isang dasal mo lang. 

Ngayong araw din, nabalita sa ospital namin na bibigyan daw kami ng bonus na pera. Pero ang balitang yun ay para sa mga lokal dito at hindi sa mga Pinoy na katulad namin. Sobrang sakit kasi umasa na ako. Naplano ko na ang gagawin ko sa perang yun kapag napasakamay ko na.

Ganun talaga ang buhay. Minsan aasa ka na may magandang mangyayari pero kapag wala ay masasaktan ka. Pero kailangan magmove-on. Minsan unfair talaga ang buhay pero dumadating ang mga bagay na ganyan para maging malakas tayo at matuto.Maging masaya lagi, harapin ang bawat araw ng may ngiti, lagi nating isipin at bilanging kung ano ang mga biyaya na natatanggap natin sa bawat araw.

Man learns through his experiences. Life is full of different kinds. Some are good and others are bad, but these experiences are what we need in order to sculpture ourselves to become a masterpiece.

Wednesday, May 30, 2012

Quick Noselift

Nitong mga huling araw ay naging kaunti ang pasyente namin sa ward kaya bilang pampalipas ng oras ay may nadiscover ako na isang app na talaga naman kinatuwa ko.

Ang tawag sa application ay "Fotolr PS". Dito, pwede mo iedit ang isang picture. Pwede ibahin ang kulay, pwede icrop ang picture, lagyan ng wig ang isang tao, kulayan ang buhok, maglagay ng make-up, at ang ultimate paborito ko ay pwedeng patangusin ang ilong.


Eto ang isang eksampol ng finish product na picture pagkatapos iedit.

Haha! Ako na ang matangos ang ilong! YAhoo! Minsan tuloy naiisip ko na paguwi ng Pilipinas ay dumretcho agad kay Dra. Vicky Belo para mapagusapan namin kung pano niya ko papatangusin. :)

Thursday, May 3, 2012

Exploring Jordan 2

Matagal na pala nung huli kong sulat dito. Kaya madami akong ikukwento. Libangan lang namin dito sa Jordan ay maginternet, manuod ng pelikula sa laptop at kapag medyo sobra ang pera, ay magpunta sa mga kilalang lugar. At dahil matagal tagal din akong hindi nakapagsulat, ay madami daming lugar na din ako napuntahan.

Unahin natin ang pinuntahan ko nung December 2011 - DEAD SEA

Dapat hindi naman ako sasama nito kaso dahil napilit nila ako kaya napasama na din. Walang pagsisisi kasi sobrang ENJOY!

Ang Dead Sea, ayon kay Wikipedia ay ang pinakamalalim na hypersaline lake (o body of water na sobra sa dami ng asin kumpara sa natural na karagatan) at ito din ang isa sa pinakamaalat na tubig sa mundo. Sinasabi na walong beses na mas maalaat ito kung ikukumpara mo sa isang ordinaryong karagatan. At dahil sa sobrang alat niya, ay walang pwedeng mabuhay na hayop o halaman dito kaya dun nagsimula ang kanyang pangalan na "Dead Sea". (haha.. tinatagalog ko lang ang wikipedia!)

Nung dumating kami dun, hindi namin alam ang pupuntahan namin. Kasi wala naman kami pinabook na hotel. Basta punta lang, kaya binaba kami ng madugas na bus sa isang parte ng dead sea na bilang lang ang tao. Nakakalungkot siempre, kaya sabi namin sa manong na nakita namin na ihatid kami sa mumurahing resort. In fairness may sasakyan si kuya na sobra ang population ng langaw na kapag humikab ka pwede kang makakain ng tatlong langaw sabay sabay.


Edi ayun na, hinatid niya kami sa Amman Beach, isang resort sa Dead Sea na abot kaya ang entrance.

Hindi ko alam sa may-ari kung bakit Amman Beach ang pinangalan niya sa resort niya dahil sa pagkakaalam ko ay hindi na Amman tong lugar na to. Siguro plano niya lang lituhin ang mga utak ng pumupunta don.

Nung nakapasok na kami ay naghanap na kami ng pwedeng pag palitan ng damit para maexperience na namin kung totoo bang lulutang ka sa Dead Sea.

Sa totoo lang hindi kagandahan ang banyo nila. Dinaig pa ang banyo ng commonwealth market. Pero dahil no choice, pagtyagaan kung ano ang nandyan.



Wala akong sinayang na sandali. Pagkapalit ko ng tshirt at shorts ay lumusong agad ako sa tubig. Hoo! Ang hapdi kasi kapag meron kang sugat sa katawan siguradong mahahapdian ka. Pero masaya pa din kasi isa ito sa mga sikat na lugar sa mundo at dahil nandito ako, e pakiramdam ko sikat na din ako.
At tunay nga! Kahit hindi ako marunong maglangoy o magfloating man lang ay lumutang ako sa Dead Sea. Lulutang at lulutang ka talaga dito dahil sabi sa Wikipedia na ang tubig na ito ay may natural buouyancy.


Ang lapit ng kuha ko no? Sinabotahe kasi ako ng kasama ko.

Bukod sa astig na katangian ng Dead Sea na makapagpalutang ng isang tao ay meron din itong threrapeutic effects. Sabi nila ay nakakaganda daw ito ng balat, nakakagaling ng rayuma, at kapag uminom ka ng isang basong tubig mula sa Dead Sea ay magiging superhero ka. Sayang nga at wala akong baso.

Kilala din ang Dead Sea sa kanyang putik o "mud". Kapag pinahid mo yun sa iyong katawan ay kikinis ka daw. Medyo tunay naman, kasi nung nagpahid kami ay naging madulas ang aming katawan.


Sa paligid din ng Dead Sea ay madami kang makikita na namuong asin. Ang sakit sa paa! Kaya kung sinabihan ka ng nanay mo na maging mabait ka, kundi paluluhurin ka niya sa asin, ay magtino ka talaga.
Madami pa kong gustong sabihin pero nothing compares when you're  the one experiencing it for yourself. Mas maganda kung ikaw mismo ang makakaexperience first hand ng Dead Sea para magkaron ka din ng ngiting katulad ng amin.
 

Monday, April 23, 2012

Half-way

       Ito ang pang 365 days ng kaibigan ko sa Jordan at gumagamit din ng account na to kaso hindi na sya masyadong nagbablog ngayong taon hindi ko na din madalas nakakausap dahil mas mahal nya trabaho nya kesa sa pagkakaibigan namin. Joke.  
                   Sa dalawang taon na kontrata ang pang-isang taon ang panahon na parang napahiran ka ng  "vicks vaporub"  dahil sa ginhawang dulot nito sa pakiramdam at ngayon buwan na lang ang binibilang nya at masasabi nya na after 364 days na " More fun in the Philippines

         Alam ko sa isang taon na nilagi mo dyan e madami kang narealise, natutunan, nakachismisan,nakain na chicken, nakain na indomie, napuntahang lugar, bagong mga kaibigan, at kung anu ano pang kaanikan na  nakatulong sa personal mong pag-unlad.
      
        At dahil wala akong magawa ayan at nagdrawing na lang ako bilang celebration sa 365 days mo.  alam ko walang relate ang drawing ko. hahaha pero namiss ko kasi Pilipinas bigla nung nakita ko yung ek pati ikaw :)


Wala akong galit sa kanya o sa sarili ko.. sadyang hindi lang ako biniyayaan ng pambihirang kakayahan
     "  In friendship, you have to expect absence at some point… but that doesn’t mean an end.. all you have to do is to wait for a time and give the person a space.. Because True friendship is proven when a person has seen the best people in the world but still turn back to where it belong."








Thursday, April 19, 2012

Asang henerasyon na nga ba ako?

          Ang pagpunta sa ibang bansa na  malayo sa pamilya, kamag-anak. kaibigan at pets ay isang karumal dumal at kahindik hindi na pakiramdam.. syempre para maibsan ang lungkot sa pag-iibang bayan  ay kailangan may mapaglibangan at magbibigay ng aliw sa boring mong araw.

    Isa ako sa tagasubaybay ng Pinoy Big brother simula sa first edition nila hanggang ngayon pero hindi naman ako ganoon ka active manood sa pinas, kesa ngayon dahil wala naman kasing masyadong magawa dito.

  Sabi nila kapag napagkukumpara mo ang henerasyon mo sa henerasyon ng iba o madalas mong nasasabi na “ noon” at “ ngayon” isa lang ang ibig sabihin nyan..  humahanay ka na sa mga lumang tao.. pero ewan ko ba sa totoo lang pakiramdam ko e huminto na ang edad ko sa bente tres.. minsan nga pagtinatanong ako kung ilang taon na ko .. napapaisip pa ako.. ilan na nga ba?

   Nakakabigla lang ang ugaling pinapakita ng bagong kabataan ngayon nung pinapanood ko ang Pinoy Big brother teen edition 4.

   Ibang- ibang ang dating nila kesa sa pormahan namin dati.. ewan ko kung nabuhay ako sa makalumang mundo pero ibang iba talaga sa kanila.. gulat nga ako sa pag-uusap ng dalawa sa mga teen housemate na ang edad ay 16 years old palang.

   teen  1 : Buti boto naman ang parents mo sa boyfriend mo?
   teen 2:  oo naman! Bait nga nun e.. engaged na nga kami..
 

Hala? 16 years old? Bigla akong napatawa.
  
    At meron pang eksena doon na umiiyak ang isang housemate dahil hindi sya ang  gusto at binibigyan ng atensyon ng taong crush nya nung una  tapos makalipas ang 1 week and 3 days e mahal nya na daw kuno. 

   Hala?

    At  yung 13 years old na  pinakabata nilang teen na babae pa ay naka apat na boyfriend na.. ilang taon sya nagboyfriend?

   Bangis!

  At madami pang pangyayari na ikanagugulat ko..


   

    Nung mga panahon na yun naglalaro pa ako ng patintero, langit lupa, Chinese garter, syato, taguan, sipa, bahay bahayan, habulan, gumagawa ng bahay sa itaas ng punong santol, naglalambitin sa baging, maligo sa ilog.

  Kaya ngayon napapaisip ako…

Nung nangyari??

   Hindi naman ako against sa mga kabataan ngayon.. sobrang level -up lang talaga ang henerasyon.. hindi na ako nakakasabay...nakakagulat.. minsan nakakatakot.. 

   " Iba na talaga ang kabataan ngayon "-- yan ang linya ng lola ko dati nung buhay pa sya at nabubuhay sa panahon namin.. e ano pa kaya kung buhay sya ngayon?

Sunday, April 8, 2012

Money sent? done!

  I just want to share the typical scenario in njazz bank.. The bank that we entrusted to send the fruits of our labor for our love ones in the Philippines.. 


Saturday, April 7, 2012

Sweet Smile

  "Sa bilyon bilyong tao sa mundo ikaw ang napili ng pihikang  puso ko".. yan ang kakornihang linya na tinae ng isip ko sa Syrian patient na tatlong beses na pabalik balik sa clinic namin.  Ang korni pero korni naman talaga ang inlove sino bang hindi? papabaril ko sa luneta with 13 marching salute,. pero hindi pa naman love yun OA lang ako admiration lang.  Naalala ko tuloy yung sinabi ko sa  ex  ko nung pakalat kalat kami sa kalye tapos may paparating na sasakyan hinila  ko ang pawisin nyang kamay  sabay sabi..

" Mag-ingat ka yoko mabyuda ng maaga"
      Sabay titig sa akin at walang ibang nasabi kundi high pitched na  " iiii"   hala kinilig ang loko.

    Pero alam ko naman na sya ay isang kulangot sa tonsil  na mahirap tanggalin kaya  imposibleng mangyari.

    Natutuwa lang ako dahil nung huling araw nya na lang para sa pagpapakonsulta e nahuli ko sya na sinusundan ako ng tingin habang papalayo ako tapos paglingon ko sa kanya nag eye to eye contac kami  biglang ngiti na parang close sa isat isa at ayun sinabi nya " Thank you"  sabi ko naman  "welcome" potek kung sinabi nyang " will  you marry me" baka sa ICU ako pulutin..

 Pagpasok ko sa sterilization area napatalon ako ng 3 times high jump dinaig ko pa si Vice ganda.

   Hindi naman ako maduming babae sa katunayan nga nag dettol ako minsan pagnaliligo. Nyie! Hindi din ako nagshishare ng love story ko dahil nabababuyan este nababaduyan ako sa mga ganoong bagay pero ngayon lang dahil napapanahon.



     Bilang owepdabulyo  kailangan mo rin ng inspirasyon maliban sa Diyos, pamilya, at kaibigan. At sa araw na ito isa sya sa naging Nutri- ban pampagana sa nalalabing panahon ko dito sa Riyadh

Tuesday, March 6, 2012

Alien

    Sa tuwing lalabas kami hindi na iba sa amin ang pagtitig ng mga ibang kalalakihan dito na parang nakakita ng mala-artistang kristine hermosa,  aminado naman ako may natatangi talaga akong kagandahan pero dapat pinipigilan nila ang sarili nila kasi nakakairita din kaya ang madaming fans? bwahahaha  Pero naiintindihan ko naman sila kasi dito sa Saudi lalo na dito sa Riyadh ang mga babae e nakabalot ang buong katawan take note katawan ibig sabihin kasama mukha pero dahil hindi naman kami muslim kaya kinonsider  na nila na ok lang na buhok ang takpan sa amin.


                        Ayan sa sobrang inis ko sa pagtitig nila sa akin tinakpan ko na lang mukha ko. :))

Tuesday, February 28, 2012

Expired? pwede pa!

     Madalas akong nasisiraan ng pagkain hindi naman ganun kabusy ang trabaho, naisip ko nga kung nasa pinas lang ako ay nako maiwan ko lang yung pagkain sa ref o sa mesa malamang wala pang 30 minutes tatanong ko  " o? asan na yung iniwan kong pagkain sa ref?" sasabihin ng isa sa mga kapatid ko "kinain ko na pakalat kalat kasi" . ayus!..  Nung bago pa lang ako dito sa Saudi ang madalas na masira sa akin na pagkain ay ang  yogurt,  karamihan siguro ay pamilyar na sa tips ko pero ishahare ko na din para sa ikagiginhawa ng kaluluwa ko.

Expired? pwede pa yan! ipahid ang yogurt sa paa
Pagkatapos nyan magkakaroon ka na ng smooth na smooth  at mabango bangong paa :)

Saturday, February 25, 2012

Worst Sandstorm

     Sa isang taon at apat na buwan ko dito sa riyadh hindi first time sa akin ang makaranas ng sandstorm o pagbagyo ng buhangin pero grabe talaga yung nangyari kanina bumilis ang pintig ng puso ko kala ko katapusan ko na.. alas kwatro palang ng hapon dumilim na bigla ang paligid at tumambad ang makapal na buhangin.

 
         Pero pagkalipas ng humigit kumulang sampung minuto sa wakas bumalik din sa dati...



           Ito yung silip sa nangyaring isa sa  pinakamalakas na sandstorm sa Saudi Arabia

        http://www.youtube.com/watch?v=BD7IedPZvt8&feature=share

        Isa nanamang bagong karanasan na hindi ko makakalimutan sa lugar ng mga arabo . :)

Thursday, January 5, 2012

Balikbayan box

      Hindi makukumpleto ang pag-iibang bansa pag wala ang tinatawag na balikbayan box.. First time kong mag-ibang bayan at first time ko din magpadala sa pamilya ko. Ang  sarap sa pakiramdam habang binabalot yung bagay na padala mo sa pamilya mo na alam mong matutuwa sila at masasabi mong pinaghirapan mong kitain para sa kanila. 
     Yung feeling na nai-imagine mo yung itsura nila kapag nakuha na nila yung pinadala mo hay nakakaboost ng serotonin level.  It's better to give than to receive talaga :)