Friday, October 21, 2011

Cultural Shock


      Nung umalis akong pinas wala akong masyadong alam sa bansang pupuntahan ko basta ang ideya ko lang na sinabi ng agency sa amin na kung okey ba daw kami na isa o dalawang beses lang makakapamasyal o makakapag-grocery sa isang buwan nung mga panahon kasi na yun gustong gusto ko na makaalis ng bansa  SOBRA kaya tinanggap ko na agad sabi  nga nila ang pagkakataon minsan lang dumarating sa tao kaya wag mo ng pakakawalan.

   At nung makarating  na ako dito sa Saudi ito ang mga bagay na nakapagpagulat saken.



       Oha! yan ang tipikal na na porma ng babaeng pasaway na gaya ko dito sa Saudi paglumalabas dapat kasi nakatakip yung ulo ng bahagya at tanging mukha lang ang nakikita hindi kita ang buhok.  Nung una akong dumating dito hindi ko alam na kailangan  magsuot ng ganyan ang babae paglalabas.

      Pero may advantage din naman ang pagsusuot nyan kasi kahit isang buwan kang hindi magshampoo at pwede na idonate ang dandruff mo sa simbahan para gawing ostia o may pet ka mang kuto ay hindi makikita, o kaya kung trip mong hindi maligo at suotin ang paborito mong damit na isang linggo ng hindi nalalabhan ay ayos din dahil may pagkashield yan hindi ka madaling maamoy.



         Ang babae at lalake ay may distansya sa isa't isa kahit sa restaurant o food court.. naalala ko nga  nung pumunta kami sa mcdo separate talaga may sariling kwarto ang babae at lalake at for family.  Tsaka asawa lang ng babae ang pwedeng makakita sa mukha nito.
      Bawal dito magkasama ang Babae at Lalake kung hindi sila mag- asawa pagnahuli kayo tiyak huhulihin kayo ng mutawa ( volunteer's na nag-eestablished ng code of conduct dito sa Saudi.)
       Tsaka yung mga lalake dito minsan makikita na lang nila kung ano ang itsura ng mapapangasawa nila pagtapos ng kasal kaya advantage sa babae kahit chakaness.



     Dalawa lang ang season dito. Anim na buwan na tag-init at Anim na buwan na taglamig.   Ang pinaka-ayoko na season ay tag-init grabe umaabot ng 62 degree pataas ang klima para ka ng buhay na ino-autoclave. Pag taglamig naman ayoko din dahil ginagalis yung katawan ko ina-allergy sa lamig dahil madaming alikabok pag nagsasandstorm  kailangan ko pa plantsahin ang pambahay kong damit para mamatay ang mikrobyo kahit papaano, tsaka mabilis tumigas yung kulangot parang na-fre-freezer kaya mahirap tanggalin  todo effort.




                    Nung unang gabi ng pagdating ko dito sa Saudi yan ang pagkaing sumalubong saken, Ang kauna unahang pagkaing arabo na nakain ko kinabahan pa nga ako baka hindi tanggapin ng microflora ng  tiyan ko.   Karamihan na flavor dito mapadelata  man o noodles laging may-CHICKEN.  Walang pork... miss ko na ang kumain ng BABOY! alam mo yun? yung feeling na miss na miss mo na yung kaibigan mong kayang sakyan ang iyong kabaliwan.  Pero advantage na din kasi iwas sa heart disease.





           Alam ko naman na madalasalin talaga ang mga kapatid nating muslim pero hindi ko alam na limang beses sila magdasal sa isang araw at talagang masasabi ko na napakarelihiyoso nitong bansa kasi kahit yung mga establisment ay sinasarado talaga sa oras ng kanilang pagdarasal kaya siguro walang gustong mag-invest na itsik dito kasi malamang lugi negosyo. Pero ang katoliko din naman madami din silang dasal na halos kaparehas din sa Islam hindi nga lang lima kasi sa umaga dawn rosary, 6am angelus, 12 angelus, 3 oclock prayer,6pm angelus, nobena at litani. pero hindi ko ginagawa lahat yan nung katoliko pa ako sa araw araw sadyang personal prayer lang.

      Naalala ko tuloy nung katoliko pa ako, ako yung tinatawag ng tita ko lola at nanay sa pag-rorosary. Pag sa tita ko ako sumasama malamang pag-uwi busog na busog, pag sa lola ko naman pag-uwi siguradong may take-out kay nanay naman malamang tawa kami ng tawa kasi sa pagdarasal na sinasabi na litani may binabanggit dun na tulad nito...

Nanay: Tore ni babel
Ako: Ipanalangin mo kami
Nanay: Tore ni Garin
Ako: Ipanalangin mo kami
Nanay: Bahay na ginto
Ako: Ipanalangin mo kami ( Nagsisimula na akong mapangiti)
Nanay: Inang walang malay sa kahalayan
Ako: Napapangiti na at magsisimula ng tumawa yung nanay ko naman ay kunsintidor ayun makikitawa na din saken. 

( Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nababanggit na yung bahay na ginto at Inang walang malay sa kahalayan ay hindi ko talaga mapigil ang pagtawa ko.) Pero parang bonding na namin yun ng aking mahal na nanay.




          First time kong makakita nyan feeling ko kasi sa panahon pa ng lumang bato naimbento yan at tuluyan ng nawala. Hanep! Meron pa palang inidorong nakadikit sa sahig.. Sa tuwing tinitignan ko yan natatakot ako  feeling ko may unding na pwedeng humigop sa --tooot-- ko. hahaha kaya wala akong planong gamitin sya.


Monday, October 17, 2011

Exploring Jordan

Ang pagbisita sa...

Roman Amphitheater







 Ayon kay WIkipedia at kay Kuya tourist guide na taga maningil ang Roman Amphitheater na matatagpuan sa Amman, Jordan ay ginawa nung 138-161 CE (ewan ko kung ano ang CE.) Basta, sabi ni Kuya tourist guide na ang Amphitheater na ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Yung unang baitang ay para sa mga mahaharlika, sumunod ay para sa mga may katungkulan, tulad ng mga sundalo, at sa ikatlong baitang ay para sa mga karaniwang tao.
Ngiti Ngiti! Parang hindi kunwari pagod sa trabaho.






 Pagkatapos namin pumunta at magpapiktyur sa Amphitheater ay dumiretcho kami agad sa Amman Citadel na malapit na lang naman din dun. Una, tatawid ka lang sa buwis buhay na kalsada at aakyat sa mataas na mataas na hagdan. Anak ng teteng!


Citadel (Jabal al-Qal'a)


Umayyad Governor's Palace


Ayon ulit kay Kuya tourist guide ang Citadel ay nabuo bago pa mabuhay si Jesus Christ sa mundo at sinasabing ang Citadel ay ang world's oldest continuously inhabited place.

At kakabasa ko lang sa Wikipedia na dito sa lugar na ito namatay si Uriah. Oha! Si Uriah, kung hindi niyo nakikilala, ay yung pinapatay ni King David na asawa nung natipuhan niyang babae na si Bathsheba. Siya yung pinuwesto ni David sa front line ng isang gera para siguradong deads. Anyway, si David ay yung kilala nating pumatay sa higanteng nagsisimula sa letter "G" (Godzilla?) na si Goliath.

 



Sa likod na ito ng palace. Hindi na kami nakapicture sa loob kasi madilim. Ang sabi lang samin ni Kuya tourist guide ay yung ibang parte ng palasyo na ito ay nagiba na dahil sa lindol at nireconstruct na lang ulit (walls and the dome were reconstructed)





 

Dito naman pinapakita yung description ng Byzantine Church. Actually, wala ng natira sa simabahan na to, puro columns na lang. Kaso hindi ko mapakita yung picture kasi nasa camera nung isa kong kasama.









At eto naman ang Temple of Hercules. Ang ganda no? Parang ako lang.... maganda.. :)) Ewan ko kung ano ang significance nito. Basta nakakamangha kung pano nila ito nabuo.


Temple of Hercules
Temple of Hercules at isang artistahing nilalang
 At doon natapos ang pagsaliksik namin sa dalawa sa historical places dito sa Jordan. Pagod man dahil sa mahaba at mabatong lakaran, masaya pa din dahil minsan sa buhay ko nakita ko ng personal ang pinakamatandang pinamumuhayan ng tao, nakita ko din ang Guinness Book of World Record na bandila ng Jordan na ayon kay Kuya tourist guide ay may laki na ???? (syempre hindi ko na matatandaan yun at walang picture dahil nasa camera ulit ng kasama ko.), at nakatapak ako sa lugar kung saan nabuhay ang isang tao sa Bible. Ahohohoho! Hamazing!

Monday, October 10, 2011

Sapul sa Banga


Sigurado akong madaming nakarelate sa kasabihan na ito na nagtratrabaho sa Middle East. :)

Sunday, October 9, 2011

Bitter Sweet Life

 
             Ang X-ray developer na yan ang nagpapaalala saken na minsan naisip ko na may pagka-impiyerno din pala ang mundo.  Ewan ko ba.. basta nung araw na yun nanuno ata ako ng kamalasan at parang ang sarap mag "harakiri" pero syempre hindi ko gagawin yun dahil baka magdagdag sa kasiyahan ng mga taong salarin sa dinadanas ko nung panahon na yun pero bati bati na kami dahil gusto ko makatulog ng mahimbing at naniniwala ako na pag umalis na ako dito may lungkot din na mamumutawi sa mata nila at may luha ding lalabas kahit isang patak lang.. tagal din ng 2 years na pinagsamahan a?
          Kaya nung mga oras na yun ay napakanta nalang ako ng " I know who I want to take me home... I know who I want to take me home.. Take me home.. -- hindi literal yan, feel ko lang kumanta. hahaha



Ganito kasi yun....

     Nagsabi si doctora na x-ray daw ang pasyente edi nagmabilis ako kumilos para kunin ang machine,  baguhan e pakitang gilas.
    Tsaka dati hinuhuli ko pa ang panlasa ng mailap nyang pagkatao pero parang hanggang ngayon ata bigo pa din ako at wala na akong magagawa at pakiilam dun ginawa ko naman na ang parte ko gawin nya din parte nya para masaya db? totoo siguro ang kasabihan na " There's no perfect workplace" bahala sya basta ginagawa ko na lang ang trabahong pinirmahan ko.


Nang matapos ko na picturan ang ipin kinuha ko na yung film para i-develop.

     Tinanong ko yung katrabaho ko ( Itatago ko na lang sya sa pangalang pekta – walang basehan ang pangalan nya, trip ko lang., walang basagan  
    
Ako: Pekta, napalitan mo ba itong developer?

Pekta: Bakit? Maitim na? kapapalit ko lang yan.

Ako: ( Taeness ang itim kaya? Kapapalit lang ba yun?!) ang itim na e hindi na visible ang ipin    

 Sabay kinuha nya yung galon ng developer solution

Pekta: Akin na bigay mo saken yung lalagyan ng developer

Ako: O… Ito. ( Kapapalit pala a? grrrrr)

Pekta: Akin na ang film mo..

Akmang ilalagay na yung film ng diretso sa mismong exposed na solution

Ako: Ok lang kaya yan? ( Kasi alam ko sa madilim mo dapat idevelop yung film.. nakita kong confident ang bruha kaya binigay ko na)

Pekta:  Ayos lang yan

Nilublob ang film sa developer..


Ako: o!???? Bakit nangitim na?  Hala lagot ako.

Pekta:  ( Nangiti lang na parang nang-aasar)

    Bigla ng nag-iba aura ko. Sumimangot ako bigla sa nakita kong pang-asar na reaksyon ng itsura  nya 
parang gusto ko I chainsaw carotid artery nya para tigok agad.

    The Moment of Truth

    Nung pumasok na ko sa clinic at pinakita ang resulta ng nagawang krimen ng kasama ko.

Doctora: What is this? I don't see anything? (Galet)

Ako: I don't know doctora ( Humble low tone voice)  Hindi ko na sinuplong yung ginawa ng kasama kong kups tsaka yoko na din magpaliwanag madugo dugong English din yun pagnagkataon.

Doctora: What you know? Until now you still don't know anything!...

Hindi ko nakalimutan ang linyang yan.. yan! yan! ang eksaktong sinabi nya saken nung mga oras na yun.     Feeling ko isang daang beses akong nalagapak ng sampal ni Cherie Gil  sa eksena nila ni Sharon Cuneta sa    pelikulang "Pangarap na Bituin" .

Hindi lang doon natapos ang lahat madami  pang nangyari nun na pang MMK ang tema pero hindi ko  na  idedetalye

Basta ang araw na yun ang nagpamulat saken na wala na ko sa Pilipinas at ibang mundo na ang ginagalawan ko ngayon

  
         

Friday, October 7, 2011

365 days

         Dapat malungkot ang magiging tema ng blog ko ngayon pero biglang nagbago ang lahat nung makausap ko ang isa sa espesyal kong kaibigan para akong naturukan ng madaming serotonin at mukhang naoverdose  pa ata.
         I went Abroad a year ago, hanep! sarap sabihin feeling ko kaya ko pang magtagal dito ng sampung  taon pa...JOKE!!!  ayoko na pangarapin. haha  
        Para saken ang dalawang taon ay sapat na para malaman ko kung ano ba talagang plano at gusto ko sa buhay maliban sa pagtulong sa pamilya.
        Kumbaga sa history ang pagpunta ko sa Saudi ang Medieval Period  ng buhay ko tapos ang pag-alis ko dito ay ang aking Renaissance (Rebirth), gumaganun pa?haha

Sa tuwing matatapos ang buwan hindi ko nakakalimutan ekesan  ang aming kalendaryo :)
         Masasabi ko sa isang taon na pagtratrabaho ko dito may mga nadiskumbre ako sa sarili ko una, maarte ako. pangalawa, maarte ako. pangatlo, maarte ako. hahaha. Nung nagsabog ata ang Diyos ng kaartehan sa mundo mulat na mulat ako at nagsahod pa ako ng palanggana kala ko kasi  kagandahan at kaseksihan ang pinasabog nya.. nagkamali ako.
         Pero totoo madami na din akong natutunan dito sa Saudi hindi ko nga lang pinapahalata malay mo may kapangyarihan palang sharingan yung makakakilala saken at maagaw pa ang technique ko. :p
         Masaya ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko ng mabuhay ng sa sarili ko lang, na ako na ang bumibili ng sarili kong damit, pantalon, sapatos, tsinelas, brief este panty , toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon, lotion, load, pagkain  at madami pang iba na inaasa ko lang sa pamilya ko sa loob ng dalawangpu't tatlo kong pamamalagi sa pilipinas.
       At  madami akong natutunan sa mga taong nakasalamuha at nakasama ko.  Everything has it's own reason and purpose talaga..Salamat at alam kong ginagabayan at tinutulungan ako ng nasa itaas  :)

Wednesday, October 5, 2011

Fat's Burner

         Pag-umalis ako dito siguro isa sa hindi ko makakalimutan ay ang aming X-ray machine dahil isa ito sa  nagbigay ng tuwa at sama ng loob sa akin dito sa Riyadh. Grabe! ang makinang yan ang unang nagpabilis ng tibok ng puso ko sa trabaho.. Dahil minsan ko ng nabagsak ang start button nyan not once but many times.  haha.
        Pero nung baguhan pa ako nun syempre pag nagkamali ka dapat hindi paulit-ulit kasi nakakasawa din kayang magkamali? e kasi naman nakadikit lang ang start button sa pamamagitan ng magnet kaya madali talaga bumagsak pag nabangga mo lang ng kaunti ( defensive pa ako?) haha .. ewan ko ba basta dati meron talagang pagkakataon na ganoon ako madaling mabagsakan naalala ko tuloy nung mabagsak ko ang Instrument sa Operating Room nung nagpapractical kami sa duty ( nostalgic mode)



        Tinatawag ko din yang  " Fat's lysis"  dahil feeling ko yan ang dahilan kung bakit namamaintain ko ang aking magandang pigura. syempre joke lang. haha  kapag sinabi  na kasi ng  doctora namin na kailangan i X-ray nung pasyente tatakbuhin ko yan dun sa may dulong parte ng clinic at dadalhin sa loob ng clinic namin na dalawampung hakbang din ang layo, bale apat na pung  hakbang din ang nilakad ko at hindi sya magaan promise dahil purong bakal at hindi lata.

        Tapos pagtapos ma- X-ray nung pasyente idedevelop ko na ang film dun din banda sa lugar kung saan ko kinuha ang X-ray na nadagdagan lang ng 5 hakbang ang layo bale 50 hakbang back and forth kasi kailangan ko ibigay kay doctora ang film na dinevelop ko, bale sa kabuuan siyamnapung hakbang ang nagagawa ko sa isang pasyente lang at... hindi lang isa minsan ang nagpapa x-ray sa isang araw.  oha! lakas ko no? :)

 

Monday, October 3, 2011

5 seconds prayer

     
              Yan! yan ang isa sa mga salarin na  nagbibigay ng limang segundong stress saken sa trabaho. Ang tawag dyan ay amalgamator pero para sa akin yan ay " Holy Machine" dahil sa tuwing pipindutin ko na ang start button at nadidinig ko na ang ugong ng makina nagsisimula na kong magdasal. " Lord wag po sanang lumipad wag po sanang lumipad" ng paulit ulit hanggang sa matapos na ang 5 seconds na pagmi-mix.


            Promise walang pagkakataon na hindi ako nagdarasal pag ini-start ko na yan dahil ilang beses na lumilipad ang mini-mix nyan na amalgam kulay blue na may combination na red yun yung amalgam - mercury  kasi yung nasa loob partially liquid sya na kailangan ng kinetic energy para maging solid ginagamit sa final restoration ng ipin o para takpan ang ngipin na nabutas na parang vulcaseal lang, oha! Ang galing talaga ng tao.
      Nagtataka nga ako kasi yung amalgam ay unti-unti ng ini-eliminate sa pilipinas dahil sa mercury content nito na hindi maganda sa katawan pero dito wala pang batas na nagpapatupad na wag gamitin.
     Sa hospital nga simpleng thermometer na nilalagay sa kili-kili ng pasyente na may lamang mercury ay pinagbawal na yung nilalagay pa kaya sa bibig na pwede malunok?
     Isa pa lang yan sa mga bagay na nagbibigay balakid sa tahimik kong pamumuhay dito sa Saudi meron pa akong 29 days para iwaksi pa ang iba :)

Sunday, October 2, 2011

Break Please!

 
     Lahat tayo nakakaranas ng stress hindi minsan, kadalasan, kundi ARAW ARAW.  Hindi ka masasabing  tao kung hindi ka nakakaranas nito dahil para itong sumpa na kahit kailan hindi na mawawala sa tao.

     Kung nabuhay lang ako sa panahon na pinag-aralan ang  Wear and Tear Theory isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng aging process ipapasama ko yung specific stress na dinaranas ng tao na nagiging cause ng aging. naks! parang ang galing ko db?. haha ..kasi naman napapansin mo ba? Yung mga lumang tao? ang tagal ng lifespan nila wala kasi silang masyadong iniisip sa buhay, napakasimple lang ng pamumuhay dati walang condo na dapat rentahan, walang kotse na dapat i change oil, walang bill sa internet, kuryente, tubig, transportasyon, walang boss at katrabaho na dapat pakisamahan dahil magtanim ka lang at mag-alaga ng hayop ay mabubuhay ka na.
    At dahil nagiging innovative na ang tao madami ng nadidiskubreng  mga gadget tulad ng  PS2,PS3, wii, ipad,ipod, touch screen na phone,laptop,netbook. 3D na tv etc.. na hindi mo naman madadala sa langit pag namatay ka yun ay kung doon ka nga mapupunta.  At naprepreserve na din ang pagkain ng matagal... na madaming MSG na brain food at Cancer friendly.
         Madami na ding mga games ngayon... Puros online games at software tulad ng counter strike, dota, plant versus zombies, angry birds at mga games sa sikat na social network ngayon na facebook mga larong uubusin ang oras at panahon mo sa mundo.. pero hindi ko pa din pagpapalit ang mga laro dati tulad ng patintero, syato, sili - tubig, sungka, black 123, chinese garter, step no, luksong tinik, luksong baka, taguan,.  at iba pang laro dati na mas nakakabuhay ng dugo at mas nakakadevelop ng teamwork at pagkakaibigan.

     Naalala ko noong bata pa ako gustong gusto ko ng tumanda pero ngayong matanda na ko naiisip ko sana merong pagkakataon na pwede kang bumalik sa specific age na gusto mo kahit 1 year lang  sana maimbento na talaga ang time machine ni Doraemon.
     Ang akin lang... the more na madaming dinidemand ang tao the more na madaming stress na dumarating sa kanya.. Ano ba tong naisusulat ko flight of idea. haha  ang gusto ko lang i point out talaga ay STRESS kasi bilang pag-gunita sa 365 days ko dito sa Saudi isusulat ko sa blog na ito sa loob ng isang buwan lahat ng bagay na nagbibigay sa akin ng stress sa araw araw. :)

Yan ang magiging resulta kapag nagpatangay ka sa sinumpa sa pagkatao mo.