Friday, October 21, 2011

Cultural Shock


      Nung umalis akong pinas wala akong masyadong alam sa bansang pupuntahan ko basta ang ideya ko lang na sinabi ng agency sa amin na kung okey ba daw kami na isa o dalawang beses lang makakapamasyal o makakapag-grocery sa isang buwan nung mga panahon kasi na yun gustong gusto ko na makaalis ng bansa  SOBRA kaya tinanggap ko na agad sabi  nga nila ang pagkakataon minsan lang dumarating sa tao kaya wag mo ng pakakawalan.

   At nung makarating  na ako dito sa Saudi ito ang mga bagay na nakapagpagulat saken.



       Oha! yan ang tipikal na na porma ng babaeng pasaway na gaya ko dito sa Saudi paglumalabas dapat kasi nakatakip yung ulo ng bahagya at tanging mukha lang ang nakikita hindi kita ang buhok.  Nung una akong dumating dito hindi ko alam na kailangan  magsuot ng ganyan ang babae paglalabas.

      Pero may advantage din naman ang pagsusuot nyan kasi kahit isang buwan kang hindi magshampoo at pwede na idonate ang dandruff mo sa simbahan para gawing ostia o may pet ka mang kuto ay hindi makikita, o kaya kung trip mong hindi maligo at suotin ang paborito mong damit na isang linggo ng hindi nalalabhan ay ayos din dahil may pagkashield yan hindi ka madaling maamoy.



         Ang babae at lalake ay may distansya sa isa't isa kahit sa restaurant o food court.. naalala ko nga  nung pumunta kami sa mcdo separate talaga may sariling kwarto ang babae at lalake at for family.  Tsaka asawa lang ng babae ang pwedeng makakita sa mukha nito.
      Bawal dito magkasama ang Babae at Lalake kung hindi sila mag- asawa pagnahuli kayo tiyak huhulihin kayo ng mutawa ( volunteer's na nag-eestablished ng code of conduct dito sa Saudi.)
       Tsaka yung mga lalake dito minsan makikita na lang nila kung ano ang itsura ng mapapangasawa nila pagtapos ng kasal kaya advantage sa babae kahit chakaness.



     Dalawa lang ang season dito. Anim na buwan na tag-init at Anim na buwan na taglamig.   Ang pinaka-ayoko na season ay tag-init grabe umaabot ng 62 degree pataas ang klima para ka ng buhay na ino-autoclave. Pag taglamig naman ayoko din dahil ginagalis yung katawan ko ina-allergy sa lamig dahil madaming alikabok pag nagsasandstorm  kailangan ko pa plantsahin ang pambahay kong damit para mamatay ang mikrobyo kahit papaano, tsaka mabilis tumigas yung kulangot parang na-fre-freezer kaya mahirap tanggalin  todo effort.




                    Nung unang gabi ng pagdating ko dito sa Saudi yan ang pagkaing sumalubong saken, Ang kauna unahang pagkaing arabo na nakain ko kinabahan pa nga ako baka hindi tanggapin ng microflora ng  tiyan ko.   Karamihan na flavor dito mapadelata  man o noodles laging may-CHICKEN.  Walang pork... miss ko na ang kumain ng BABOY! alam mo yun? yung feeling na miss na miss mo na yung kaibigan mong kayang sakyan ang iyong kabaliwan.  Pero advantage na din kasi iwas sa heart disease.





           Alam ko naman na madalasalin talaga ang mga kapatid nating muslim pero hindi ko alam na limang beses sila magdasal sa isang araw at talagang masasabi ko na napakarelihiyoso nitong bansa kasi kahit yung mga establisment ay sinasarado talaga sa oras ng kanilang pagdarasal kaya siguro walang gustong mag-invest na itsik dito kasi malamang lugi negosyo. Pero ang katoliko din naman madami din silang dasal na halos kaparehas din sa Islam hindi nga lang lima kasi sa umaga dawn rosary, 6am angelus, 12 angelus, 3 oclock prayer,6pm angelus, nobena at litani. pero hindi ko ginagawa lahat yan nung katoliko pa ako sa araw araw sadyang personal prayer lang.

      Naalala ko tuloy nung katoliko pa ako, ako yung tinatawag ng tita ko lola at nanay sa pag-rorosary. Pag sa tita ko ako sumasama malamang pag-uwi busog na busog, pag sa lola ko naman pag-uwi siguradong may take-out kay nanay naman malamang tawa kami ng tawa kasi sa pagdarasal na sinasabi na litani may binabanggit dun na tulad nito...

Nanay: Tore ni babel
Ako: Ipanalangin mo kami
Nanay: Tore ni Garin
Ako: Ipanalangin mo kami
Nanay: Bahay na ginto
Ako: Ipanalangin mo kami ( Nagsisimula na akong mapangiti)
Nanay: Inang walang malay sa kahalayan
Ako: Napapangiti na at magsisimula ng tumawa yung nanay ko naman ay kunsintidor ayun makikitawa na din saken. 

( Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nababanggit na yung bahay na ginto at Inang walang malay sa kahalayan ay hindi ko talaga mapigil ang pagtawa ko.) Pero parang bonding na namin yun ng aking mahal na nanay.




          First time kong makakita nyan feeling ko kasi sa panahon pa ng lumang bato naimbento yan at tuluyan ng nawala. Hanep! Meron pa palang inidorong nakadikit sa sahig.. Sa tuwing tinitignan ko yan natatakot ako  feeling ko may unding na pwedeng humigop sa --tooot-- ko. hahaha kaya wala akong planong gamitin sya.


8 comments:

  1. pwede naman palang hindi nakatakip ung ulo eh. as seen dun sa 1st picture:P

    ReplyDelete
  2. Kaya nga pasaway db? hehehe Sisitahin ka lang ng mutawa pag nakitang wala kang taklob sa ulo pero hindi pa naman nangyari.

    ReplyDelete
  3. ahh di daw kc kayo mukhang arabo kaya okay lang na walang taklob ang ulo... akala ko naman super cover as in..anywhere u go.. u know :D

    ReplyDelete
  4. Nice read...dito karin pala sa saudi.

    ReplyDelete
  5. Ganyan yung damit noella. hehehe Pero cover naman talaga yan :)

    @Akoni.. uu parehas tayong sa saudi :) maganda yung gusto mo maibento bago ka mamatay. Sana maisip nila.

    ReplyDelete
  6. lyn ganyan yung inodoro rin namin dito...ahahaha makaluma....

    ReplyDelete
  7. @ Mace uu dati ganyan din sa amin binago nila kasi nirequest naming palitan kasi naman makaluma talaga..

    ReplyDelete
  8. Nice Post. Keep blogging. Dami kung natutunan.

    ReplyDelete