Friday, October 7, 2011

365 days

         Dapat malungkot ang magiging tema ng blog ko ngayon pero biglang nagbago ang lahat nung makausap ko ang isa sa espesyal kong kaibigan para akong naturukan ng madaming serotonin at mukhang naoverdose  pa ata.
         I went Abroad a year ago, hanep! sarap sabihin feeling ko kaya ko pang magtagal dito ng sampung  taon pa...JOKE!!!  ayoko na pangarapin. haha  
        Para saken ang dalawang taon ay sapat na para malaman ko kung ano ba talagang plano at gusto ko sa buhay maliban sa pagtulong sa pamilya.
        Kumbaga sa history ang pagpunta ko sa Saudi ang Medieval Period  ng buhay ko tapos ang pag-alis ko dito ay ang aking Renaissance (Rebirth), gumaganun pa?haha

Sa tuwing matatapos ang buwan hindi ko nakakalimutan ekesan  ang aming kalendaryo :)
         Masasabi ko sa isang taon na pagtratrabaho ko dito may mga nadiskumbre ako sa sarili ko una, maarte ako. pangalawa, maarte ako. pangatlo, maarte ako. hahaha. Nung nagsabog ata ang Diyos ng kaartehan sa mundo mulat na mulat ako at nagsahod pa ako ng palanggana kala ko kasi  kagandahan at kaseksihan ang pinasabog nya.. nagkamali ako.
         Pero totoo madami na din akong natutunan dito sa Saudi hindi ko nga lang pinapahalata malay mo may kapangyarihan palang sharingan yung makakakilala saken at maagaw pa ang technique ko. :p
         Masaya ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko ng mabuhay ng sa sarili ko lang, na ako na ang bumibili ng sarili kong damit, pantalon, sapatos, tsinelas, brief este panty , toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon, lotion, load, pagkain  at madami pang iba na inaasa ko lang sa pamilya ko sa loob ng dalawangpu't tatlo kong pamamalagi sa pilipinas.
       At  madami akong natutunan sa mga taong nakasalamuha at nakasama ko.  Everything has it's own reason and purpose talaga..Salamat at alam kong ginagabayan at tinutulungan ako ng nasa itaas  :)

3 comments:

  1. Ang arte mo.. hahaha!! joke. Natawa ako dun, akala kagandahan at kaseksihan, mali pala. hihi.. lol..

    Yeah, masarap ang pakiramdam na alam mong kaya mong buhayin ang sarili mo sa sariling kayod at sipag.. Independent. Naks!

    Ingat lagi dyan sa Saudi. Ang importante lang talaga, wag tayong makalimot na may mga taong nagmamahal sa atin at si Bro na laging nagbabantay at handang tumulong.. :)

    ReplyDelete
  2. hey thanks for following my blog :-)

    you're a new blogger pala. and kapareho kita pala na o-ep-dabolyu hehehe.

    hope to hear more kwnto fr u.

    ReplyDelete
  3. Wow! First time na may nagcomment sa gawa ko na hindi ko kakilala ng personal parang gusto ko tumambling ng 100 times sa tuwa. :)

    @ leah. uu arte arte talaga ako e. hahaha

    Masarap talaga kumita ng sarili mong pinaghirapan at ikaw na din ang mismong tumutulong sa pamilya na dati ay sila.

    Madaming salamat! ikaw ingat ka din. God Bless :)

    @ Mac Thank you din sa pagfollow ng blog namin :) dalawa kasi kaming nagsusulat dito.. ako na nasa saudi tapos isa na nasa jordan.

    uu, parehas tayong o-ep-dabolyu. hehe nabasa ko kasi yung blog mo tungkol sa hospital nakakatuwa :)

    ReplyDelete