Monday, July 21, 2014

Insomnia to Batman to Crimes Back to Batman

Alas kwatro singkwentay tres na ng umaga sa orasan ng telepono ko pero di pa din dapuan ng antok. Pedeng pede na talaga ko maging call center agent, sekyu sa 7/11, o  maging si Batman.

Ayun, nacurious tuloy ako kung si Batman e superhero na panggabi lang. Kasi parang puro fighting scenes nya e sa gabi lang. Bakit kaya? Dahil ba ang bat ay sa gabi rumarampa? O baka ayaw niya makita ng pipol ang costume nya na kontrobersyal?

E pano kung merong mga masasamang tao na umatake ng umaga? Sino magliligtas sa mga pipol? Si Volta? Krystala? O baka naman si Super Inggo na malaki na ngayon at hindi na magkasya ang costume nya?

Kasi dami na ngayon krimen. Pambihira! Naglipana ang krimen sa mundo. Nakakatakot na minsan ang mabuhay. Yung bang bibili ka dito sa abroad ng telepono na medyo haytek tapos paguwi sa Pinas e gamit mo ang lumang 3310 kase takot ka na maging dahilan yun kung bakit ka magigripuhan ni manong-holdaper-na-ubod-ng-laki-ng-katawan-na-hindi-na-lang-magtrabaho-para-hindi-masunog-ang-kaluluwa-nya-sa-impyerno. (Hoo! Ang haba ng pangalan ni manong! Tae!)

O yung hindi mo masuot ang backpack mo sa likod kase napapraning ka na mabuksan ang zipper ng bag mo kapag aakyat ka sa overpass papuntang mrt q. ave. Ang backpack sa Pinas halos lahat nasa harapan. Frontpackers mga tao. (kasama na ko don)

O yung lolokohin ka ng katrabaho ng kaibigan mo na magbayad ka ng ganitong halaga para sa processing ng paper mo papunta sa dream country mo. Hala ka! Kakilala na yun ha? Ninenenok pa ang pinagpaguran mo. Ang pinagtiisan mo na pagtrabahuan sa abroad.

Diba? Bakit ganon? Gusto ng tao easy money, hindi naiisip ang after effect ng krimen na magagawa o nagawa nila. Hindi naiisip na ah teka kapag ginawa ko to, pano naman yung kapwa ko? Pero, sabi nga habang nabubuhay, may pagasa. So hoping pa din ako na one day hindi na kailangan itago ang mga gadgets sa lansangan ng Maynila o kahit san man na talamak ang hablutan o holdapan, na ang backpack ay masusuot na sa likuran para maging sanhi ng tagaktak mong pawis sa likod, na hindi na manloloko ang mga taong pinagkatiwalaan mo, na hindi na naten kailangan ng superhero sa umaga o sa gabi tulad ni Batman.

At ayun! Eto ang pinakaconvincing kung bakit si Batman e sa gabi lang nakikita.
Photo courtesy of 9gag.com. Natawa ko nung nakita ko. May point nga naman. Buti pa si Spiderman walang problema sa tanlines kundi ang paghinga lang sa costume nya. ;)

*huwaw! Magaalas sais na! Tulugan na! 

Friday, July 18, 2014

Long happy day

   Dahil babanlawan pa ni ... ang labahan nya sinamahan ko sya sa labas para bantayan sa kaibigan naming mga daga, nung patapos na sya hala ang bruha piniga sa taas ng ulo ko ang basang tuwalya nya syempre papayag ba naman na hindi gaganti ehem binuksan ko ang hose na bumubuga ng kalawang at binasa din sya tapos pati yung mga planggana at timba na andun basta may tubig hagisan hanggang sa may nakita akong balde na pinagbabaran ng damit, bago ko yun ihagis nag paalala na ang bruha na " wag yan baka madumi ang tubig!"  Pag ayaw nya mas lalong gusto ko kaya ayun hinagis ko sa kanya may nainom syang kaunti at napa "zhjskyhny" tsaka ko narealise na amoy utot pala ang tubig matagal na sigurong napagbabaran ng maduming damit yun ni uncle may brief pa nga atang nakababad dun. Mga pangyayari na nakakatawa balikan pag napag usapan uli.  First time na nalate kami sa trabaho! Mga 5 minutes lang naman, OA naman kasi si ser pati si doctora tsaka kasalanan ng baskin and robbins yun bakit kasi pakalat kalat sa kalye napababa tuloy kami at bumili. Ang sarap ng pistachio flavor! Peyborit ko na yun.  
          
        Ang salarin ng pagkalate!


   
       Peyborit! 


      After ng trabaho plano sana nya mag sumba habang ako magluluto ng french fries na kakainin namin at siguro movie marathon uli. Pero biglang nabago ng plano at sa KFC napadpad pag uwi.  At habang busog soundtrip naman kaiba lang ngayon dahil pilipino music ang pinapatugtog at halos lahat kanta ni angeline quinto. Ang daming nangyari ngayong araw! Bukas may simba pala! 

Tulog na!

      Bangag lang kami ngayong araw!  Dalawang oras lang ang tulog ko dahil sa pag iisip ng pagsugod ko sa battle namin sa clash of clan at si ... hindi talaga natulog hindi ko alam kung after effect ba yun ng pagsusumba nya dahil hindi ako nagsumba kagabi naaligaga kasi ako bigla sa comment ng lab tech namin na pumayat daw ako e dalawang gabi palang naman kami nagsusumba na hindi ko masabayan ang step ewan ko ba wala akong katalent talent sa pagsasayaw. At dahil hindi pa kami dalawin ng antok napagdesisyunan nalang namin maglaba ng sabay actually gusto nya andun ako kasi takot sya sa daga dahil may namamasyal na daga sa labas.. Pero may daga naman pala sa labas talaga nahuli sa mouse trap ni tita na may paing  nabubulok na hotdog , kung daga ako hindi ko siguro masisikmura ang itsura ng hotdog na yun.  Pagtapos mag almusal, maglaba, sumugod sa clash of clan natulog na kami ulit at syempre hapon na nagising. 



      Clash of clan ang kinaadikan naming laro! Pampapatay oras sa pag aabroad :) 

Wednesday, July 16, 2014

Happy Ramadan!

      Magdadalawang linggo na din na Ramadan dito sa UAE sana ramadan nalang palagi dahil kaunting oras lang ang trabaho at madaming napapanuod na movie at series..  inuulit kasi naman ang prison break namiss namin ang malahenyong pagkakagawa nun. At dahil ngayong ramadan umuwi si tita sa pinas kaya ayun nagluluto luto kami. Plano ko sana mag download ng kaanikang video na pinag gagawa namin ni  kaso hindi kaya sa phone kailangan ko na siguro magbawas ng mga selfie photos ko dito dahil no space na daw.  Nag susumba kami ngayon para healthy kunwari sana mamaintain at hindi saniban ng katam.


                                      
   
                           

Monday, July 14, 2014

Ang pagbabalik

      Matagal tagal na din pala akong hindi nag uupdate ng blog na to.. Namiss ko mag sulat pero mas namiss ko magbasa. Ginawa namin ang blog na to para ikwento ang kahindik hindik, kasula sulasok, kabaliwan, at kung ano ano pang nagaganap sa amin ng kaibigan ko na nasa jordan at ngayon kasama ko na sa UAE.. Yes! Magkasama na kaming dalawa ngayon..sya sa jordan dati at saudi ako ngayon nasa isang bansa na kami.. Kaya ngayon ako na ang magkwekwento ng aming adventure sa lugar ng mga arabo.. sa United Arab Emirates.
    Matagal kaming hindi nagkita nitong kaibigan kong itago nalang  natin sa pangalang  mag tatlong taon din hindi ko nakita ang mala mojako nyang mukha, nung nagkita nga kami yung dapat kung salubong sa kanya hindi naman dapat yun ang gagawin ko e ano pa nga ba prinsesa ako ng sablay. 
   Mag uupdate lang ako ng mga aktibidades na pinag gagawa namin masyado ng late dahil tatlong buwan na sya dito at ako anim na buwan na, nasayang ang panahon pero ngayon sana tuloy tuloy ang pagsusulat dahil nakakatuwang balikan ang mga bagay na naganap na. 

                                         
                                       


Monday, June 4, 2012

L I F E





Kailangan nating matuto sa bawat pangyayari sa buhay natin. Madaming nagsasabi nito, pero pano nga ba?

Ngayong araw, nagising ako sa ingay dahil may sinisirang bundok dito sa tabi ng apartment namin. Mahirap ako makatulog at madaling magising. At kapag nagising na ako, pahirapan na naman matulog. Pero pinilit ko pa din magconcentrate. At sa pagcoconcentrate ko, may lumabas na hangin na nagbigay ng masangsang na amoy sa kwarto namin. Haha! Nagpumilit pa din ako na makatulog. Hanggang sa naging successful ako, kahit na gaano pa kaingay ang nasa labasan namin.

Naisip ko tuloy, parang buhay lang tong pangyayaring to. Madalas ay maraming nagiimpluwensya satin para mawala tayo sa focus ng pagabot ng mga nais nating gawin. At minsan, kahit na sumubok tayong magconcentrate para magawa natin yung gusto natin, ay pumapalpak tayo at iba ang nagiging kalabasan. Pero wag sumuko! Kailangan lang ay magtiyaga para maabot ang mga mithiin.

Isang pangyayari pa sa buhay abroad ko. Kumakain ang dalawa kong roommate ng magkaibang pagkain. Isa, buto ng kalabasa at yung isa naman ay Doritos. Parehas na masarap at gusto ko. Iniwan nila sakin ang mga pagkain nila dahil may duty pa sila. Kaya napunta ako sa matinding desisyon, ano ang kakainin ko na huli para manatili sa panlasa ko. Medyo matagal ako napaisip, mga five seconds, at naisip ko na ang gusto ko ay ang Doritos, kaya yun ang kinain ko. Pero ang naging ending, nakita ko yung Lays na nakasipit lang dito sa lalagyanan ng karoommate ko kaya yun ang last bite at taste ko.

Anong sense naman nito? Sa buhay kasi natin, haharap at haharap tayo sa matitinding desisyon na susubok satin.  Tulad ko, sobrang pinagisipan ko talaga ang pagpunta dito sa abroad. Madami akong tanong na walang sagot dati. Kakayanin ko ba? Ligtas ba sa ibang bansa? Pero madami tayong mga tinatawag na lifeline sa tunay na buhay. Kung gusto mo ng “call a friend”, nandyan ang pamilya at mga kaibigan mo na isang tawag mo lang ay bibigyan ka ng payo. Kung gusto mo naman ng “ask the audience”, nandyan ang karanasan ng mga taong kakilala mo na pwede mong ipattern ang ginawa nila sa gagawin mo. At kung gusto mo ng “50:50” na mas magiging tiyak ang tagumpay mo. Nandyan si Bro na lagi kang handang tulungan, isang dasal mo lang. 

Ngayong araw din, nabalita sa ospital namin na bibigyan daw kami ng bonus na pera. Pero ang balitang yun ay para sa mga lokal dito at hindi sa mga Pinoy na katulad namin. Sobrang sakit kasi umasa na ako. Naplano ko na ang gagawin ko sa perang yun kapag napasakamay ko na.

Ganun talaga ang buhay. Minsan aasa ka na may magandang mangyayari pero kapag wala ay masasaktan ka. Pero kailangan magmove-on. Minsan unfair talaga ang buhay pero dumadating ang mga bagay na ganyan para maging malakas tayo at matuto.Maging masaya lagi, harapin ang bawat araw ng may ngiti, lagi nating isipin at bilanging kung ano ang mga biyaya na natatanggap natin sa bawat araw.

Man learns through his experiences. Life is full of different kinds. Some are good and others are bad, but these experiences are what we need in order to sculpture ourselves to become a masterpiece.

Wednesday, May 30, 2012

Quick Noselift

Nitong mga huling araw ay naging kaunti ang pasyente namin sa ward kaya bilang pampalipas ng oras ay may nadiscover ako na isang app na talaga naman kinatuwa ko.

Ang tawag sa application ay "Fotolr PS". Dito, pwede mo iedit ang isang picture. Pwede ibahin ang kulay, pwede icrop ang picture, lagyan ng wig ang isang tao, kulayan ang buhok, maglagay ng make-up, at ang ultimate paborito ko ay pwedeng patangusin ang ilong.


Eto ang isang eksampol ng finish product na picture pagkatapos iedit.

Haha! Ako na ang matangos ang ilong! YAhoo! Minsan tuloy naiisip ko na paguwi ng Pilipinas ay dumretcho agad kay Dra. Vicky Belo para mapagusapan namin kung pano niya ko papatangusin. :)