Friday, November 11, 2011

Matira matibay

            Ito ay isa sa mga madramang eksena na pangkaraniwan na sa clinic. Yung tatay pilit kinukumbinsi  yung anak na bunutin na ang sirang ipin..


     
     At ayun na nga pinili ng anak nya na alagaan ang sumasakit na sirang ipin kaya magtitiis na lang sya hanggang sa lalong mabulok at tuluyan din matatanggal sa takdang panahon.

  " Letting go doesn't mean giving up, but rather accepting that there are things that not worth fighting for " - emoterang tooth fairy

Friday, October 21, 2011

Cultural Shock


      Nung umalis akong pinas wala akong masyadong alam sa bansang pupuntahan ko basta ang ideya ko lang na sinabi ng agency sa amin na kung okey ba daw kami na isa o dalawang beses lang makakapamasyal o makakapag-grocery sa isang buwan nung mga panahon kasi na yun gustong gusto ko na makaalis ng bansa  SOBRA kaya tinanggap ko na agad sabi  nga nila ang pagkakataon minsan lang dumarating sa tao kaya wag mo ng pakakawalan.

   At nung makarating  na ako dito sa Saudi ito ang mga bagay na nakapagpagulat saken.



       Oha! yan ang tipikal na na porma ng babaeng pasaway na gaya ko dito sa Saudi paglumalabas dapat kasi nakatakip yung ulo ng bahagya at tanging mukha lang ang nakikita hindi kita ang buhok.  Nung una akong dumating dito hindi ko alam na kailangan  magsuot ng ganyan ang babae paglalabas.

      Pero may advantage din naman ang pagsusuot nyan kasi kahit isang buwan kang hindi magshampoo at pwede na idonate ang dandruff mo sa simbahan para gawing ostia o may pet ka mang kuto ay hindi makikita, o kaya kung trip mong hindi maligo at suotin ang paborito mong damit na isang linggo ng hindi nalalabhan ay ayos din dahil may pagkashield yan hindi ka madaling maamoy.



         Ang babae at lalake ay may distansya sa isa't isa kahit sa restaurant o food court.. naalala ko nga  nung pumunta kami sa mcdo separate talaga may sariling kwarto ang babae at lalake at for family.  Tsaka asawa lang ng babae ang pwedeng makakita sa mukha nito.
      Bawal dito magkasama ang Babae at Lalake kung hindi sila mag- asawa pagnahuli kayo tiyak huhulihin kayo ng mutawa ( volunteer's na nag-eestablished ng code of conduct dito sa Saudi.)
       Tsaka yung mga lalake dito minsan makikita na lang nila kung ano ang itsura ng mapapangasawa nila pagtapos ng kasal kaya advantage sa babae kahit chakaness.



     Dalawa lang ang season dito. Anim na buwan na tag-init at Anim na buwan na taglamig.   Ang pinaka-ayoko na season ay tag-init grabe umaabot ng 62 degree pataas ang klima para ka ng buhay na ino-autoclave. Pag taglamig naman ayoko din dahil ginagalis yung katawan ko ina-allergy sa lamig dahil madaming alikabok pag nagsasandstorm  kailangan ko pa plantsahin ang pambahay kong damit para mamatay ang mikrobyo kahit papaano, tsaka mabilis tumigas yung kulangot parang na-fre-freezer kaya mahirap tanggalin  todo effort.




                    Nung unang gabi ng pagdating ko dito sa Saudi yan ang pagkaing sumalubong saken, Ang kauna unahang pagkaing arabo na nakain ko kinabahan pa nga ako baka hindi tanggapin ng microflora ng  tiyan ko.   Karamihan na flavor dito mapadelata  man o noodles laging may-CHICKEN.  Walang pork... miss ko na ang kumain ng BABOY! alam mo yun? yung feeling na miss na miss mo na yung kaibigan mong kayang sakyan ang iyong kabaliwan.  Pero advantage na din kasi iwas sa heart disease.





           Alam ko naman na madalasalin talaga ang mga kapatid nating muslim pero hindi ko alam na limang beses sila magdasal sa isang araw at talagang masasabi ko na napakarelihiyoso nitong bansa kasi kahit yung mga establisment ay sinasarado talaga sa oras ng kanilang pagdarasal kaya siguro walang gustong mag-invest na itsik dito kasi malamang lugi negosyo. Pero ang katoliko din naman madami din silang dasal na halos kaparehas din sa Islam hindi nga lang lima kasi sa umaga dawn rosary, 6am angelus, 12 angelus, 3 oclock prayer,6pm angelus, nobena at litani. pero hindi ko ginagawa lahat yan nung katoliko pa ako sa araw araw sadyang personal prayer lang.

      Naalala ko tuloy nung katoliko pa ako, ako yung tinatawag ng tita ko lola at nanay sa pag-rorosary. Pag sa tita ko ako sumasama malamang pag-uwi busog na busog, pag sa lola ko naman pag-uwi siguradong may take-out kay nanay naman malamang tawa kami ng tawa kasi sa pagdarasal na sinasabi na litani may binabanggit dun na tulad nito...

Nanay: Tore ni babel
Ako: Ipanalangin mo kami
Nanay: Tore ni Garin
Ako: Ipanalangin mo kami
Nanay: Bahay na ginto
Ako: Ipanalangin mo kami ( Nagsisimula na akong mapangiti)
Nanay: Inang walang malay sa kahalayan
Ako: Napapangiti na at magsisimula ng tumawa yung nanay ko naman ay kunsintidor ayun makikitawa na din saken. 

( Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nababanggit na yung bahay na ginto at Inang walang malay sa kahalayan ay hindi ko talaga mapigil ang pagtawa ko.) Pero parang bonding na namin yun ng aking mahal na nanay.




          First time kong makakita nyan feeling ko kasi sa panahon pa ng lumang bato naimbento yan at tuluyan ng nawala. Hanep! Meron pa palang inidorong nakadikit sa sahig.. Sa tuwing tinitignan ko yan natatakot ako  feeling ko may unding na pwedeng humigop sa --tooot-- ko. hahaha kaya wala akong planong gamitin sya.


Monday, October 17, 2011

Exploring Jordan

Ang pagbisita sa...

Roman Amphitheater







 Ayon kay WIkipedia at kay Kuya tourist guide na taga maningil ang Roman Amphitheater na matatagpuan sa Amman, Jordan ay ginawa nung 138-161 CE (ewan ko kung ano ang CE.) Basta, sabi ni Kuya tourist guide na ang Amphitheater na ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Yung unang baitang ay para sa mga mahaharlika, sumunod ay para sa mga may katungkulan, tulad ng mga sundalo, at sa ikatlong baitang ay para sa mga karaniwang tao.
Ngiti Ngiti! Parang hindi kunwari pagod sa trabaho.






 Pagkatapos namin pumunta at magpapiktyur sa Amphitheater ay dumiretcho kami agad sa Amman Citadel na malapit na lang naman din dun. Una, tatawid ka lang sa buwis buhay na kalsada at aakyat sa mataas na mataas na hagdan. Anak ng teteng!


Citadel (Jabal al-Qal'a)


Umayyad Governor's Palace


Ayon ulit kay Kuya tourist guide ang Citadel ay nabuo bago pa mabuhay si Jesus Christ sa mundo at sinasabing ang Citadel ay ang world's oldest continuously inhabited place.

At kakabasa ko lang sa Wikipedia na dito sa lugar na ito namatay si Uriah. Oha! Si Uriah, kung hindi niyo nakikilala, ay yung pinapatay ni King David na asawa nung natipuhan niyang babae na si Bathsheba. Siya yung pinuwesto ni David sa front line ng isang gera para siguradong deads. Anyway, si David ay yung kilala nating pumatay sa higanteng nagsisimula sa letter "G" (Godzilla?) na si Goliath.

 



Sa likod na ito ng palace. Hindi na kami nakapicture sa loob kasi madilim. Ang sabi lang samin ni Kuya tourist guide ay yung ibang parte ng palasyo na ito ay nagiba na dahil sa lindol at nireconstruct na lang ulit (walls and the dome were reconstructed)





 

Dito naman pinapakita yung description ng Byzantine Church. Actually, wala ng natira sa simabahan na to, puro columns na lang. Kaso hindi ko mapakita yung picture kasi nasa camera nung isa kong kasama.









At eto naman ang Temple of Hercules. Ang ganda no? Parang ako lang.... maganda.. :)) Ewan ko kung ano ang significance nito. Basta nakakamangha kung pano nila ito nabuo.


Temple of Hercules
Temple of Hercules at isang artistahing nilalang
 At doon natapos ang pagsaliksik namin sa dalawa sa historical places dito sa Jordan. Pagod man dahil sa mahaba at mabatong lakaran, masaya pa din dahil minsan sa buhay ko nakita ko ng personal ang pinakamatandang pinamumuhayan ng tao, nakita ko din ang Guinness Book of World Record na bandila ng Jordan na ayon kay Kuya tourist guide ay may laki na ???? (syempre hindi ko na matatandaan yun at walang picture dahil nasa camera ulit ng kasama ko.), at nakatapak ako sa lugar kung saan nabuhay ang isang tao sa Bible. Ahohohoho! Hamazing!

Monday, October 10, 2011

Sapul sa Banga


Sigurado akong madaming nakarelate sa kasabihan na ito na nagtratrabaho sa Middle East. :)

Sunday, October 9, 2011

Bitter Sweet Life

 
             Ang X-ray developer na yan ang nagpapaalala saken na minsan naisip ko na may pagka-impiyerno din pala ang mundo.  Ewan ko ba.. basta nung araw na yun nanuno ata ako ng kamalasan at parang ang sarap mag "harakiri" pero syempre hindi ko gagawin yun dahil baka magdagdag sa kasiyahan ng mga taong salarin sa dinadanas ko nung panahon na yun pero bati bati na kami dahil gusto ko makatulog ng mahimbing at naniniwala ako na pag umalis na ako dito may lungkot din na mamumutawi sa mata nila at may luha ding lalabas kahit isang patak lang.. tagal din ng 2 years na pinagsamahan a?
          Kaya nung mga oras na yun ay napakanta nalang ako ng " I know who I want to take me home... I know who I want to take me home.. Take me home.. -- hindi literal yan, feel ko lang kumanta. hahaha



Ganito kasi yun....

     Nagsabi si doctora na x-ray daw ang pasyente edi nagmabilis ako kumilos para kunin ang machine,  baguhan e pakitang gilas.
    Tsaka dati hinuhuli ko pa ang panlasa ng mailap nyang pagkatao pero parang hanggang ngayon ata bigo pa din ako at wala na akong magagawa at pakiilam dun ginawa ko naman na ang parte ko gawin nya din parte nya para masaya db? totoo siguro ang kasabihan na " There's no perfect workplace" bahala sya basta ginagawa ko na lang ang trabahong pinirmahan ko.


Nang matapos ko na picturan ang ipin kinuha ko na yung film para i-develop.

     Tinanong ko yung katrabaho ko ( Itatago ko na lang sya sa pangalang pekta – walang basehan ang pangalan nya, trip ko lang., walang basagan  
    
Ako: Pekta, napalitan mo ba itong developer?

Pekta: Bakit? Maitim na? kapapalit ko lang yan.

Ako: ( Taeness ang itim kaya? Kapapalit lang ba yun?!) ang itim na e hindi na visible ang ipin    

 Sabay kinuha nya yung galon ng developer solution

Pekta: Akin na bigay mo saken yung lalagyan ng developer

Ako: O… Ito. ( Kapapalit pala a? grrrrr)

Pekta: Akin na ang film mo..

Akmang ilalagay na yung film ng diretso sa mismong exposed na solution

Ako: Ok lang kaya yan? ( Kasi alam ko sa madilim mo dapat idevelop yung film.. nakita kong confident ang bruha kaya binigay ko na)

Pekta:  Ayos lang yan

Nilublob ang film sa developer..


Ako: o!???? Bakit nangitim na?  Hala lagot ako.

Pekta:  ( Nangiti lang na parang nang-aasar)

    Bigla ng nag-iba aura ko. Sumimangot ako bigla sa nakita kong pang-asar na reaksyon ng itsura  nya 
parang gusto ko I chainsaw carotid artery nya para tigok agad.

    The Moment of Truth

    Nung pumasok na ko sa clinic at pinakita ang resulta ng nagawang krimen ng kasama ko.

Doctora: What is this? I don't see anything? (Galet)

Ako: I don't know doctora ( Humble low tone voice)  Hindi ko na sinuplong yung ginawa ng kasama kong kups tsaka yoko na din magpaliwanag madugo dugong English din yun pagnagkataon.

Doctora: What you know? Until now you still don't know anything!...

Hindi ko nakalimutan ang linyang yan.. yan! yan! ang eksaktong sinabi nya saken nung mga oras na yun.     Feeling ko isang daang beses akong nalagapak ng sampal ni Cherie Gil  sa eksena nila ni Sharon Cuneta sa    pelikulang "Pangarap na Bituin" .

Hindi lang doon natapos ang lahat madami  pang nangyari nun na pang MMK ang tema pero hindi ko  na  idedetalye

Basta ang araw na yun ang nagpamulat saken na wala na ko sa Pilipinas at ibang mundo na ang ginagalawan ko ngayon

  
         

Friday, October 7, 2011

365 days

         Dapat malungkot ang magiging tema ng blog ko ngayon pero biglang nagbago ang lahat nung makausap ko ang isa sa espesyal kong kaibigan para akong naturukan ng madaming serotonin at mukhang naoverdose  pa ata.
         I went Abroad a year ago, hanep! sarap sabihin feeling ko kaya ko pang magtagal dito ng sampung  taon pa...JOKE!!!  ayoko na pangarapin. haha  
        Para saken ang dalawang taon ay sapat na para malaman ko kung ano ba talagang plano at gusto ko sa buhay maliban sa pagtulong sa pamilya.
        Kumbaga sa history ang pagpunta ko sa Saudi ang Medieval Period  ng buhay ko tapos ang pag-alis ko dito ay ang aking Renaissance (Rebirth), gumaganun pa?haha

Sa tuwing matatapos ang buwan hindi ko nakakalimutan ekesan  ang aming kalendaryo :)
         Masasabi ko sa isang taon na pagtratrabaho ko dito may mga nadiskumbre ako sa sarili ko una, maarte ako. pangalawa, maarte ako. pangatlo, maarte ako. hahaha. Nung nagsabog ata ang Diyos ng kaartehan sa mundo mulat na mulat ako at nagsahod pa ako ng palanggana kala ko kasi  kagandahan at kaseksihan ang pinasabog nya.. nagkamali ako.
         Pero totoo madami na din akong natutunan dito sa Saudi hindi ko nga lang pinapahalata malay mo may kapangyarihan palang sharingan yung makakakilala saken at maagaw pa ang technique ko. :p
         Masaya ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko ng mabuhay ng sa sarili ko lang, na ako na ang bumibili ng sarili kong damit, pantalon, sapatos, tsinelas, brief este panty , toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon, lotion, load, pagkain  at madami pang iba na inaasa ko lang sa pamilya ko sa loob ng dalawangpu't tatlo kong pamamalagi sa pilipinas.
       At  madami akong natutunan sa mga taong nakasalamuha at nakasama ko.  Everything has it's own reason and purpose talaga..Salamat at alam kong ginagabayan at tinutulungan ako ng nasa itaas  :)

Wednesday, October 5, 2011

Fat's Burner

         Pag-umalis ako dito siguro isa sa hindi ko makakalimutan ay ang aming X-ray machine dahil isa ito sa  nagbigay ng tuwa at sama ng loob sa akin dito sa Riyadh. Grabe! ang makinang yan ang unang nagpabilis ng tibok ng puso ko sa trabaho.. Dahil minsan ko ng nabagsak ang start button nyan not once but many times.  haha.
        Pero nung baguhan pa ako nun syempre pag nagkamali ka dapat hindi paulit-ulit kasi nakakasawa din kayang magkamali? e kasi naman nakadikit lang ang start button sa pamamagitan ng magnet kaya madali talaga bumagsak pag nabangga mo lang ng kaunti ( defensive pa ako?) haha .. ewan ko ba basta dati meron talagang pagkakataon na ganoon ako madaling mabagsakan naalala ko tuloy nung mabagsak ko ang Instrument sa Operating Room nung nagpapractical kami sa duty ( nostalgic mode)



        Tinatawag ko din yang  " Fat's lysis"  dahil feeling ko yan ang dahilan kung bakit namamaintain ko ang aking magandang pigura. syempre joke lang. haha  kapag sinabi  na kasi ng  doctora namin na kailangan i X-ray nung pasyente tatakbuhin ko yan dun sa may dulong parte ng clinic at dadalhin sa loob ng clinic namin na dalawampung hakbang din ang layo, bale apat na pung  hakbang din ang nilakad ko at hindi sya magaan promise dahil purong bakal at hindi lata.

        Tapos pagtapos ma- X-ray nung pasyente idedevelop ko na ang film dun din banda sa lugar kung saan ko kinuha ang X-ray na nadagdagan lang ng 5 hakbang ang layo bale 50 hakbang back and forth kasi kailangan ko ibigay kay doctora ang film na dinevelop ko, bale sa kabuuan siyamnapung hakbang ang nagagawa ko sa isang pasyente lang at... hindi lang isa minsan ang nagpapa x-ray sa isang araw.  oha! lakas ko no? :)

 

Monday, October 3, 2011

5 seconds prayer

     
              Yan! yan ang isa sa mga salarin na  nagbibigay ng limang segundong stress saken sa trabaho. Ang tawag dyan ay amalgamator pero para sa akin yan ay " Holy Machine" dahil sa tuwing pipindutin ko na ang start button at nadidinig ko na ang ugong ng makina nagsisimula na kong magdasal. " Lord wag po sanang lumipad wag po sanang lumipad" ng paulit ulit hanggang sa matapos na ang 5 seconds na pagmi-mix.


            Promise walang pagkakataon na hindi ako nagdarasal pag ini-start ko na yan dahil ilang beses na lumilipad ang mini-mix nyan na amalgam kulay blue na may combination na red yun yung amalgam - mercury  kasi yung nasa loob partially liquid sya na kailangan ng kinetic energy para maging solid ginagamit sa final restoration ng ipin o para takpan ang ngipin na nabutas na parang vulcaseal lang, oha! Ang galing talaga ng tao.
      Nagtataka nga ako kasi yung amalgam ay unti-unti ng ini-eliminate sa pilipinas dahil sa mercury content nito na hindi maganda sa katawan pero dito wala pang batas na nagpapatupad na wag gamitin.
     Sa hospital nga simpleng thermometer na nilalagay sa kili-kili ng pasyente na may lamang mercury ay pinagbawal na yung nilalagay pa kaya sa bibig na pwede malunok?
     Isa pa lang yan sa mga bagay na nagbibigay balakid sa tahimik kong pamumuhay dito sa Saudi meron pa akong 29 days para iwaksi pa ang iba :)

Sunday, October 2, 2011

Break Please!

 
     Lahat tayo nakakaranas ng stress hindi minsan, kadalasan, kundi ARAW ARAW.  Hindi ka masasabing  tao kung hindi ka nakakaranas nito dahil para itong sumpa na kahit kailan hindi na mawawala sa tao.

     Kung nabuhay lang ako sa panahon na pinag-aralan ang  Wear and Tear Theory isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng aging process ipapasama ko yung specific stress na dinaranas ng tao na nagiging cause ng aging. naks! parang ang galing ko db?. haha ..kasi naman napapansin mo ba? Yung mga lumang tao? ang tagal ng lifespan nila wala kasi silang masyadong iniisip sa buhay, napakasimple lang ng pamumuhay dati walang condo na dapat rentahan, walang kotse na dapat i change oil, walang bill sa internet, kuryente, tubig, transportasyon, walang boss at katrabaho na dapat pakisamahan dahil magtanim ka lang at mag-alaga ng hayop ay mabubuhay ka na.
    At dahil nagiging innovative na ang tao madami ng nadidiskubreng  mga gadget tulad ng  PS2,PS3, wii, ipad,ipod, touch screen na phone,laptop,netbook. 3D na tv etc.. na hindi mo naman madadala sa langit pag namatay ka yun ay kung doon ka nga mapupunta.  At naprepreserve na din ang pagkain ng matagal... na madaming MSG na brain food at Cancer friendly.
         Madami na ding mga games ngayon... Puros online games at software tulad ng counter strike, dota, plant versus zombies, angry birds at mga games sa sikat na social network ngayon na facebook mga larong uubusin ang oras at panahon mo sa mundo.. pero hindi ko pa din pagpapalit ang mga laro dati tulad ng patintero, syato, sili - tubig, sungka, black 123, chinese garter, step no, luksong tinik, luksong baka, taguan,.  at iba pang laro dati na mas nakakabuhay ng dugo at mas nakakadevelop ng teamwork at pagkakaibigan.

     Naalala ko noong bata pa ako gustong gusto ko ng tumanda pero ngayong matanda na ko naiisip ko sana merong pagkakataon na pwede kang bumalik sa specific age na gusto mo kahit 1 year lang  sana maimbento na talaga ang time machine ni Doraemon.
     Ang akin lang... the more na madaming dinidemand ang tao the more na madaming stress na dumarating sa kanya.. Ano ba tong naisusulat ko flight of idea. haha  ang gusto ko lang i point out talaga ay STRESS kasi bilang pag-gunita sa 365 days ko dito sa Saudi isusulat ko sa blog na ito sa loob ng isang buwan lahat ng bagay na nagbibigay sa akin ng stress sa araw araw. :)

Yan ang magiging resulta kapag nagpatangay ka sa sinumpa sa pagkatao mo.
                       
   

Friday, September 2, 2011

DEBTly Hallows

Pang apat na beses na akong sumusweldo dito sa Jordan dahil ika-apat na buwan ko na dito (597 days to go! at babalik na ko ng Pinas! YES!) pero hindi ko pa din nararamdaman ang pagyaman ko. Kala ko kasi mabilis lang ang pagasenso kapag nasa ibang bansa ka. Yung para bang "Simeco" lang ang nainisip ko, na kapag nakasahod na, makakaluwang agad at masasabi ko, "Ang bilis no?" Pero hanggang ngayon hikahos pa din ako, walang naipupundar, at baon pa din sa utang sa Pilipinas.


Tama! Etong sobrang mabait niyong lingkod ay may responsibilidad pa na makabayad ng debt (para sosyal) sa Pinas. E isang araw may napansin akong rashes sa binti ko, naisip ko tuloy na pinapakulam na ako ng mga pinagkakautangan ko. Pero siempre joke lang yan dahil alam kong mababait ang mga nagpahiram sa akin. At bilang ganti ay tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamayang marunong magbayad ng kanyang utang.

Anyway, naisip ko na maraming paraan para makabayad ng mabilis:

UNA... Pwede ko silang i-kiss na lang isa-isa. Kasi pakiramdam ko ang worth ng halik ko ay medyo precious. Pero sakaling tumanggi sila sa generous offer ko na kiss ay pumunta tayo sa second way.

PANGALAWA... Pwede ako magpaalila na lang sa kanila at susundin ko lahat ng kanilang pinaguutos. Pero naisip ko na mahirap to. Pano kung sabihin nila na abutin ko ng dila ko ang ilong ko?

Pero eto ang pinakamagandang paraan na naisip ko.. MAGPURSIGI para makabayad ng utang. Pagsisikapan ko na umipon hanggang matapos ko ang pagbabayad. Tipid-tipid muna. Wala munang maluhong gadgets at kain ibon muna. Alam ko mahirap to, pero naman kapag natapos mo ay sobrang saya (parang nailabas mo ang malaki at matigas na ebs) dahil isang malaking accomplishment din yan para sakin. Eto ang pinakamagandang solusyon, ANG PAGSISIKAP.

Saturday, August 27, 2011

Live life to the fullest

    Living and working here in Saudi needs lot of courage and determination not just because you need to embrace their culture, tradition, law, people BUT because you have to live independent and make decision in your own.
   
     I remembered one of my novel lover friend told me " People doesn't want happiness even they have it they still wanted to experience suffering" maybe she just said that thing because of my decision of working here. But never in my days that I regretted the decision of where I am right now because its my choice...I just used what I inherited in my very own existence which is 
" Freedom"
     Because I do believed that we should make change in our lifestyle and begin to boldly do things which we may previously never had thought of doing, or been to hesitant to attempt.  So many people live within unhappy circumstances and yet will not take the initiative to change their situation because they are conditioned to a life of  security, love and belonging. --- all of which may appear to give one peace of mind but in reality nothing is more damaging to the adventurous spirit within a man than a secure life.

   
      In my past 10 months of  staying here, I realized that the happiness in life comes from our encounters with new experiences, new people, new knowledge, and because there is no greater joy than to have an endlessly changing horizon for each day to have a new. That's why I am here...decided to escaped in my comfort zone and experiencing the so called --LIFE

Friday, August 26, 2011

A Nurse's Note

I'm really a dreamer. I have tons of dreams that are still to be achieved.

Being a nurse was not on my list of dreams, but I became one. I don't know if this is the right path for me. I mean, I hate the rotating schedules, I hate being here in Jordan since there is no available nursing jobs in the Philippines, or if there is, the salary is too low that in a single week you'll be able to finish all of your hard earned money. These two are not the only complaints I have regarding my profession, but I'm already here, there's no turning back.

Even though there's a part of me that is hateful towards this profession, a bigger part of me came to love it.

Why?

While studying, I met my ultimate friends. When I am with them, I feel really happy. When I am with them, I don't feel any worries to show and express my real self.

Being a nurse made me realize that I'm very lucky. I've spent months in training in a hospital where we cater to the less fortunate. There are those that doesn't have a single peso to buy medicines for themselves or their families. Seeing these made me appreciate the blessings that I have.

Because of this profession, I had the opportunity to render my service to my fellow Filipinos. During training, we were not compensated with salary or allowance, instead, I received sincere gratitude and patients' smiles that were priceless. (These were nice, but these plus money could've been better:))

There are lot of things I want to add to this list, but my nose is already bleeding. Potek! hindi ko na kinakaya. Emo daw ako kunwari ngayon dahil sa nabasa kong isang blog na tungkol sa pagiging nurse. Ginaya ko lang bakit ba?! Walang pakialamanan. Basta, ewan ko, malay ko ba, wala na talaga akong alam at masabi. Eto ang resulta ng OFW na walang magawa.

Monday, August 22, 2011

Happily Exhausted

Whew! Nakakapagod na araw ito. Parang katulong lang ang dating pero masayang masaya dahil mdami akong nagawa na kapakipakinabang.

Karaniwan kong sinasayang ang day-off ko sa panunuod ng pelikulang napanuod ko na, nagiinternet hanggang mabadtrip ako dahil sa bagal ng net namin, at sa pagtulog ng buong hapon.(buti nga hindi pa ko ngkakabedsore)

Pero ngayong araw na to... parang  umapaw ang kasipagan sa aking buong katawan. Una, pagkagising ko ay naglaba agad ako ng lahat ng damit kong madumi kasama ang lahat ng bed sheets ko. Pagkatapos ay nagwalis ako ng kwarto namin na ubod ng dumi at pagtapos nun ay nilampaso ko pa ang sahig. Sa unang pagkakataon ay pinawisan ako ng madami dito. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Ann Landers sa pagiging masipag. Sabi niya: "Nobody ever drowned in his own sweat." Joke! Siempre niresearch ko lang yan at hindi naalala.

Tapos nun nakipagchat ako sa mga mahal ko sa buhay, nagplantsa ng uniform at saka naligo pagkatapos magpahinga. At ang huli kong ginawa.. kumain ng adobo na niluto ko! Take note... NILUTO KO.. hindi ko inumit sa tupperware ng iba. Talaga naman napakasaya ko ngayon kahit pagod. Ngayon, masaya akong matutulog dahil alam ko na madami akong nagawang kabutihan. HOOOOO!

Sunday, August 14, 2011

Misteryo sa Roof top


   Ang pagiging matapang ay ayos lang naman pero dapat hinahaluan din ng pag-iingat lalo na kung sa Saudi peninsula ka magtratrabaho. Nung una hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ng pamilya ko,kamag-anak,kaibigan, kapit bahay,tambay sa kanto,manliligaw, and my pets na MAG-INGAT daw e tawag nga sa lugar na to ay holy place dahil sa pagiging relihiyoso ng mga tao, kung magdasal sila  limang beses sa isang araw at sinasarado pa ang mga establishment maliban sa hospital  pag oras ng pagdarasal.
   Nagbago ang aking pananaw sa isang kagimbal gimbal na pangyayari….. Parang horror lang. Hahaha
   Naganap ang pangyayari sa rooftop, tatlong araw na kaming walang internet kaya nagrereklamo na at asar na din kami sa kinabitan namin ng linya lalo na ang aking room mate na sabik na sabik na makausap ang kanyang darling.

Nung tinawagan namin:

Room mate: ( Angry voice) Lesh mafi connection ana give 50 riyals awol? ( why no connection I gave 50 riyals before)
Internet man: Istri jadid wire mumkin karban malom? ( Buy new wire maybe  it's already destroyed do you understand?)
   Yun sinabi nya nga na baka kailangan na palitan dahil sira na, sinabi ko sa karoom mate ko na may supernatural talent ako sa pag-aayos basta wiring baka pwede ko pang ayusin at hindi na kailangan bumili pa na nasa 60 riyal o 690php kung ikokombert sa philippine peso, pero meron talaga akong talento sa pag-aayos ng mga bagay na sira na ewan ko ba ganun siguro pag dyosa. Hahahahaha
   Edi sinabi ko yung intension ko na susubukan kung ayusin. Sinabi ng internet man na nasa roof top yung wire ( syempre may interpreter ako yung cleaner namin sa clinic,  dahil hindi ako ganoon kagalingan sa asar na Arabic language grrrr….)
   Naglead sya kung saan banda ( internet man) sinundan ko lang sya ang akala ko naman ay sumusunod ang cleaner namin sa likod namalayan ko na lang na nasa itaas na kami na KAMING DALAWA lang, ang bilis kasi ng mga pangyayari pero wala lang naman sa akin yun wala naman akong malisya. Basta ang gusto ko lang ay makita ang wire at ayusin.
Sobrang tahimik yung lugar parang good environment for evil intention pero wala akong pakiilam focus lang ako sa dapat kung gawin.
    Habang tinitrace ko kung anong posibleng sira nung wire nakatingin lang yung internet man... Tapos napansin ko na lang na nakikihawak din sya sa wire na hinahawakan ko. Ng biglang may napansin ako BADTREP!  Dinidikitan ng kamay nya ang isa  sa mahinang parte ng pagkatao ko! Ang aking smooth na smooth na kamay. Hahaha.  Kinukumbinsi ko na baka nagkataon lang yun ( Hingang malalim) . Edi tinuloy ko yung ginagawa ko …. Ng napansin ko na hindi nya na dinidikitan ang kamay ko, POTEK! ipapatong nya na yung kamay nya sa kamay ko na bigla kong iniwas. Bigla ko syang tinignan bumilis na ang tibok ng puso ko, umiinit na ang katawan ko este ang ulo ko pala. Hahaha  kinakabahan na ko, parang may bumubulong na sa akin na ( dyosa! Dyosa! umalis ka na ! Bilis! Bilis!)
     Syempre sinunod ko ang bumubulong sa akin, bumwebwelo na ko sa paglikas na gagawin ko.  Bigla akong umatras at sinabi na " mashi, lasem istri jadid" ( ok, need to buy new one) wala na kasi akong plano pang ayusin baka pagnagtagal pa ko dun ikapahamak ko pa, walang sabi sabi ay kumaripas na ko ng takbo alam ko sinusundan nya pa ako nun dahil nakikita ko sa aking peripheral vision hindi lang siguro ako naabutan. Pati ako nagulat din sa sarili ko dahil ang bilis ko nakarating ng ground floor pwedeng ilagay sa  guiness world of record.
     Learned lesson talaga yung nangyari na yun, Salamat dahil alam kong prinotektahan ako ng Diyos nung pagkakataon na yun.
     Napansin ko lang,  iisa lang ang itsura ng mga manyak. Pansin ko lang naman. :))

Pinangyarihan ng krimen

Wednesday, August 10, 2011

Happy Ramadan

    Buwan ng agosto! Ramadan na!!!  Ito ang unang pagkakataon na ma-experience ko ang Ramadan sa middle east nung nasa pinas pa kasi ako nadidinig ko lang sa kanila " Happy Ramadan"  o nakalagay sa banner ng kapitbahay naming muslim na "Ramadan kareem" na hindi ko naman naiintindihan kung anung ibig sabihin basta ang ideya ko lang ay fasting yun at wala na kong plano pang saliksikin .  At dahil na-eexperiece ko na sya ngayon nauunawaan ko na kung anong ibig sabihin. Ang Ramadan ito ay mahigit kumulang isang buwan na pag-aayuno, hindi sila kakain sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.  Wah! Parang ang hirap nun gagawin mo sa isang buwan?!  Ako nga isang beses sa isang linggo feeling ko nabawasan na ko ng Isang pulgada sa isang buwan pa kaya? Pero masarap sa pakiramdam ang nagfafasting feeling mo lahat ng bagay kaya mong harapin, ang gaan sa pakiramdam para lang feather nye! Haha pero  nakalimutan ko na  yung pakiramdam kasi hindi ko na nagagawa ngayon. Ang dahilan sa kanilang pagfafasting ay " cleanse their inner soul and protect them from harm" Nung una kong nadinig hindi ako kumbinsido pero yun ang belief nila syempre kailangan irespeto. Masaya pag Ramadan! Lalo na siguro pag sa hospital ka pa nagwowork kasi madaming nagbibigay ng pagkain at talagang meron silang free meal! Sa ibang bansa tulad ng UAE ang mura ng bilihin pagnag-grocery sila tuwing gabi, binabagsak daw nila yung presyo syempre nga naman gabi lang kakain masisira ang paninda nila kinabukasan.  Mahigpit dito sa Riyadh pag Ramadan kaya nga yung iba ay nagbabakasyon muna sa ibang bansa o Ibang parte ng Saudi, lugar nga naman ng hari kaya dapat organisado at nasa maayos ang lahat. Ngayong Ramadan napupuna ko karamihan sa pasyente ko  pag natapos na yung treatment sa kanila ay  magsasabi na ng "shokran" ( thank you sa inglesh) na hindi ko naman napapansin dati.  puna ko lang a! mababait sila.,  may pinasuyo nga yung doctora ko sa akin na gawin..
Doctora:  herlene…
Me: Yes, Doctora?
Doctora : Can you wash my mug with Clorox? Please?
( OC kasi yung doctora ko na yun, talagang ober OC naalala ko nung unang beses ko palang dito sa work sya ang dahilan kung bakit ako na-anxiety bago matulog iniisip ko kasi kung anong pwedeng mapuna o mareklamo nya sa pagtratrabaho ko.)
Me: No problem doctora
Paglabas ko…
Hindi ko trabaho yun a! bakit ako gagawa? ( My evil side)
Ok lang yan.. wala ka namang masyadong ginagawa tsaka madali lang naman yun
(My good side  )
Syempre nananalo pa din ang kabutihan sa kasamaan
Edi nilinis ko sya ngayon, nilinisan ko ng Clorox with STEEL WALL.  Wah! Napansin ko nagiging silver na yung dulong bahagi nung mug. Hala! @!$@%#  lagot ako nito natanggal na yung kulay! Paboritong mug pa naman yun ni doctor, paborito nya kasi nag-iisa lang na mug yun. Ahahaha  hindi ako mapakali hindi ko alam kung paano ko sasabihin pakiramdam ko para akong elementary student na nalate sa flag ceremony at maghihintay ng punishment pagkatapos
Sinabi ko sa kasamahan ko yung nangyari.  Sinabi nya "Ayos lang yan Ramadan ngayon mababait sila" sabay tawa. Hahahaha . blunt face: sana nga…. Huhuhu
At dumating na ang oras:
Me:  Doctora, ( Yung boses na may bahid ng pagsisisi) I am trying to wash  your mug with Clorox but the result is this  ( Pinakita ko yung mug nya)
Doctora: Nakangiti at sinabing " Its ok herlene,.. Thank you...

Paglabas ko sa clinic pakiramdam ko nailuha ko na din ang 9 pounds na sanggol na iniiri ko! success
Paborito ko ng buwan ang agosto dahil madaming pagkain, kaunting oras ng trabaho, at madaming mababait! Sana Ramadan nlang palagi hanggang matapos ang kontrata ko :)

Sunday, August 7, 2011

Sinong totoo?


      Sabi nga " No man is an island" kailangan natin makipag-interaksyon, makisalamuha, at magkaroon ng makakasama.  Pero ang tanong sino ang totoo sa mga taong nakakasama natin o sino ang nagkukunwari lang.
      Sa aking pagtratrabaho sa ibang bansa. Dito kailangan madevelop ang tinatawag na  - PAKIKISAMA – kaya nga sinasabing all of us are unique individual with similarities and differences.  Pagnakakilala ka ng taong komportable ka at tanggap at nauunawaan ka kahit  nakagawa ka pa ng karumal dumal na krimen, kahit mabaho ang paa mo, may amoy ka sa katawan, uhugin ka, may luga ka sa tenga,  mabaho ang hininga mo o ano pa man ang  kababuyan meron sa pagkatao mo naku! Wag mong pakakawalan para kang nakajackpot ng grand prize sa lotto dahil iilan nalang ang tulad nila.
    Hindi din madali ang makisama lalo na kung minsan ang kasama mo ay may   personality disorder. Pero kailangan kung ayaw mo maging impiyerno ang buhay mo hanggang sa matapos ang kontratang pikit mata mong pinirmahan. Masaya naman kasama ang mga bago kong katrabaho, pero hindi mo nga lang alam kung may natatagong lihim sa likod ng kanilang mga ngiti.
    Meron kasing insidente na nangyari na nakapagpabago ng pananaw ko:

Scenario: ( Sa clinic mainit dahil pinatay ko ang  aircon kala ko kasi hindi na magkakapasyente)

Doctor: Why so very hot? Who turned-off AC ( Aircon)
My co-nurse/ My room mate: ( pointing her finger on me) It's HERLENE
 ( blaming face)
Me: sigh*
   Naisip ko aircon palang yun paano kung napakalaking pagkakamali na nagawa ko, ilalaglag nya kaya ako? Tutulungan nya kaya ako? Pagtatakpan? Feeling ko kasi close  na kami pero parang hindi pa pala.  Simpleng pangyayari pero nakapagpabago ng pagtingin ko sa pagkatao ng makakasama ko sa loob ng dalawang taon.
  Pero masaya ako dahil nagkaroon ako ng bagong kaibigan, madami silang nashishare na experience na makakatulong sa personal kong pag-unlad.   


Wednesday, August 3, 2011

Elevator

Sari sari ang nararanasan ko dito sa Middle East. Kadalasan nakakaboring, minsan enjoy, minsan sobrang lungkot, minsan nakakagalit o nakakainis, at siempre meron din namang masayang mga pangyayari. Tulad na lang nung experience ko habang nagduduty ako.
Yung station kasi namin ay nasa second floor kaya nung kailangan ko pumunta sa pharmacy na nasa ground floor ay sumakay ako ng elevator. Sa elevator, may nakasakay ako na Arabo na lalaki. Siempre hindi ko siya pinansin kasi mahiyaing bata ako. Pero siya ang nagumpisa ng paguusap.

Arabo: Wow! Philippinia! What's your name?
Ako: I am #####.
Arabo: Nice name! I am Mahmoud and I am a staff nurse too at the fifth floor.(siempre barok yan dapat, kaso I can't help to write it in a straight English kasi you know naman that I'm sooo awesome! haha)
Ako: Really? All of you Mahmoud. (nagbukas na ang pintuan ng elevator kasi nasa ground floor na kami at lumabas na ko)
Pahabol niyang sinabi.. "I love you too!"

Huh? Nagtaka naman ako. Akala ko talagang charming lang ako kaya siya nag I love you sakin. Tapos bigla akong nangiti kasi naisip ko na ang sinabi kong"All of you Mahmoud" ay may pagkakahawig sa I love you lalo na kung meron kang adik na pagiisip na katulad ng kay Mahmoud ng fifth floor.

Ayun lang.. Sa ikli ng byahe ko sa elevator ay nagkaron na ko ng boyfriend na Arabo by the name of Mahmoud. :))

Saturday, July 23, 2011

First time

First time ko na magsulat kahit na simula pa lang na sumikat sina J.K. Rowling, Stephanie Meyer, Paulo Coelho, Pol Medina Jr., at Bob Ong ay pinangarap ko na din maging writer. Pero ngayon ko lang susubukan na ibahagi ang mga laman ng isip ko.
Syempre magpapakilala muna ko ng bahagya para naman kahit konti e may alam kayo tungkol sakin. Ako ay pinanganak sa Maynila pero nung unang birthday ko ay lumipat kami sa probinsya. Sa totoo, hindi naman masyadong probinsya ang nilipatan namin kasi 30minutes lang ay nasa Quezon City ka na. Isa ako sa libo libong nagaral at nakatapos ng Nursing. Kaya eto ako ngayon nakikipagsapalaran sa ibang bansa at nangangarap na sana ay 2013 na para umuwi na ko.
Totoo! Nakakamiss din pala talaga ang Pilipinas. Nung nagpunta ako dito sa Middle East dun ko narealize na mahal ko pala ang bansa ko. Nakakamiss sumakay sa jeep kahit na si manong driver ay ipapalate ka dahil sa paghinto sa lahat ng taong madaanan niya, nakakamiss sumakay sa MRT kahit na balyahan talaga para makapasok lang kapag sobrang siksikan na, nakakamiss din sumakay sa Santrans at Safeway na bus kapag malelate na ko sa pasok ko, nakakamiss kumain ng street foods tulad ng kwek kwek, chicken balls, turon, itlog ng itik, at ang paborito kong isaw, higit sa lahat nakakamiss ang pamilya at mga kaibigan ko na sobrang mahal na mahal ko, basta sa madaling salita talagang masaya pa din sa Pilipinas kahit na ang pagasenso sa Pinas ay mabagal pa sa internet connection ko ngayon.
Kaya tama talaga ang kasabihan ng idol kong si Rizal na ANG TAONG HINDI MARUNONG MAGMAHAL SA SARILING WIKA (sa kasong ito ay palitan natin ang WIKA ng salitang BAYAN) AY MASAHOL PA SA MALANSANG ISDA.