Ang X-ray developer na yan ang nagpapaalala saken na minsan naisip ko na may pagka-impiyerno din pala ang mundo. Ewan ko ba.. basta nung araw na yun nanuno ata ako ng kamalasan at parang ang sarap mag "harakiri" pero syempre hindi ko gagawin yun dahil baka magdagdag sa kasiyahan ng mga taong salarin sa dinadanas ko nung panahon na yun pero bati bati na kami dahil gusto ko makatulog ng mahimbing at naniniwala ako na pag umalis na ako dito may lungkot din na mamumutawi sa mata nila at may luha ding lalabas kahit isang patak lang.. tagal din ng 2 years na pinagsamahan a?
Kaya nung mga oras na yun ay napakanta nalang ako ng " I know who I want to take me home... I know who I want to take me home.. Take me home.. -- hindi literal yan, feel ko lang kumanta. hahaha
Ganito kasi yun....
Nagsabi si doctora na x-ray daw ang pasyente edi nagmabilis ako kumilos para kunin ang machine, baguhan e pakitang gilas.
Tsaka dati hinuhuli ko pa ang panlasa ng mailap nyang pagkatao pero parang hanggang ngayon ata bigo pa din ako at wala na akong magagawa at pakiilam dun ginawa ko naman na ang parte ko gawin nya din parte nya para masaya db? totoo siguro ang kasabihan na " There's no perfect workplace" bahala sya basta ginagawa ko na lang ang trabahong pinirmahan ko.
Nang matapos ko na picturan ang ipin kinuha ko na yung film para i-develop.
Tinanong ko yung katrabaho ko ( Itatago ko na lang sya sa pangalang pekta – walang basehan ang pangalan nya, trip ko lang., walang basagan
Ako: Pekta, napalitan mo ba itong developer?
Pekta: Bakit? Maitim na? kapapalit ko lang yan.
Ako: ( Taeness ang itim kaya? Kapapalit lang ba yun?!) ang itim na e hindi na visible ang ipin
Sabay kinuha nya yung galon ng developer solution
Pekta: Akin na bigay mo saken yung lalagyan ng developer
Ako: O… Ito. ( Kapapalit pala a? grrrrr)
Pekta: Akin na ang film mo..
Akmang ilalagay na yung film ng diretso sa mismong exposed na solution
Ako: Ok lang kaya yan? ( Kasi alam ko sa madilim mo dapat idevelop yung film.. nakita kong confident ang bruha kaya binigay ko na)
Pekta: Ayos lang yan
Nilublob ang film sa developer..
Ako: o!???? Bakit nangitim na? Hala lagot ako.
Pekta: ( Nangiti lang na parang nang-aasar)
Bigla ng nag-iba aura ko. Sumimangot ako bigla sa nakita kong pang-asar na reaksyon ng itsura nya
parang gusto ko I chainsaw carotid artery nya para tigok agad.
The Moment of Truth
Nung pumasok na ko sa clinic at pinakita ang resulta ng nagawang krimen ng kasama ko.
Doctora: What is this? I don't see anything? (Galet)
Ako: I don't know doctora ( Humble low tone voice) Hindi ko na sinuplong yung ginawa ng kasama kong kups tsaka yoko na din magpaliwanag madugo dugong English din yun pagnagkataon.
Doctora: What you know? Until now you still don't know anything!...
Hindi ko nakalimutan ang linyang yan.. yan! yan! ang eksaktong sinabi nya saken nung mga oras na yun. Feeling ko isang daang beses akong nalagapak ng sampal ni Cherie Gil sa eksena nila ni Sharon Cuneta sa pelikulang "Pangarap na Bituin" .
Hindi lang doon natapos ang lahat madami pang nangyari nun na pang MMK ang tema pero hindi ko na idedetalye
Basta ang araw na yun ang nagpamulat saken na wala na ko sa Pilipinas at ibang mundo na ang ginagalawan ko ngayon
ang haba! lyn uwi ka na ba this november? naka 2 years ka na dyan? wow ambilis!
ReplyDeletehahaha! 1 year palang ako syempre pero pag natapos ang kontrata ko 2 years na :p noella! magsulat ka na sa blog mo.. pabasa ako :)
ReplyDeletewala akong blog! hahaha nakakatamad eh. bigyan mo akong encouragement at magandang title ng blog!
ReplyDeleteNaku be strong lang lyn kaya mu yan..
ReplyDeleteHayaan mu lang kung anu tingin nila sayo basta work ka lang yung sa alam mong tama..
hay naku... kahit ako hanggang ngayon nasasabihan rin yan..
@ noella pwede mong isulat yung mga effort na ginagawa mo para makapunta ka ng ibang bansa.. kahit ano naman pwede ipost.. kahit anong gusto ng isip mo isulat mo.
ReplyDelete@ Mace Ikaw din! be Strong.. Matagal na yung pangyayari na yan pero ayos na ako dito. Lapit na matapos ang kontrata ko 361 days na lang :D