Monday, October 10, 2011
Sunday, October 9, 2011
Bitter Sweet Life
Ang X-ray developer na yan ang nagpapaalala saken na minsan naisip ko na may pagka-impiyerno din pala ang mundo. Ewan ko ba.. basta nung araw na yun nanuno ata ako ng kamalasan at parang ang sarap mag "harakiri" pero syempre hindi ko gagawin yun dahil baka magdagdag sa kasiyahan ng mga taong salarin sa dinadanas ko nung panahon na yun pero bati bati na kami dahil gusto ko makatulog ng mahimbing at naniniwala ako na pag umalis na ako dito may lungkot din na mamumutawi sa mata nila at may luha ding lalabas kahit isang patak lang.. tagal din ng 2 years na pinagsamahan a?
Kaya nung mga oras na yun ay napakanta nalang ako ng " I know who I want to take me home... I know who I want to take me home.. Take me home.. -- hindi literal yan, feel ko lang kumanta. hahaha
Ganito kasi yun....
Nagsabi si doctora na x-ray daw ang pasyente edi nagmabilis ako kumilos para kunin ang machine, baguhan e pakitang gilas.
Tsaka dati hinuhuli ko pa ang panlasa ng mailap nyang pagkatao pero parang hanggang ngayon ata bigo pa din ako at wala na akong magagawa at pakiilam dun ginawa ko naman na ang parte ko gawin nya din parte nya para masaya db? totoo siguro ang kasabihan na " There's no perfect workplace" bahala sya basta ginagawa ko na lang ang trabahong pinirmahan ko.
Nang matapos ko na picturan ang ipin kinuha ko na yung film para i-develop.
Tinanong ko yung katrabaho ko ( Itatago ko na lang sya sa pangalang pekta – walang basehan ang pangalan nya, trip ko lang., walang basagan
Ako: Pekta, napalitan mo ba itong developer?
Pekta: Bakit? Maitim na? kapapalit ko lang yan.
Ako: ( Taeness ang itim kaya? Kapapalit lang ba yun?!) ang itim na e hindi na visible ang ipin
Sabay kinuha nya yung galon ng developer solution
Pekta: Akin na bigay mo saken yung lalagyan ng developer
Ako: O… Ito. ( Kapapalit pala a? grrrrr)
Pekta: Akin na ang film mo..
Akmang ilalagay na yung film ng diretso sa mismong exposed na solution
Ako: Ok lang kaya yan? ( Kasi alam ko sa madilim mo dapat idevelop yung film.. nakita kong confident ang bruha kaya binigay ko na)
Pekta: Ayos lang yan
Nilublob ang film sa developer..
Ako: o!???? Bakit nangitim na? Hala lagot ako.
Pekta: ( Nangiti lang na parang nang-aasar)
Bigla ng nag-iba aura ko. Sumimangot ako bigla sa nakita kong pang-asar na reaksyon ng itsura nya
parang gusto ko I chainsaw carotid artery nya para tigok agad.
The Moment of Truth
Nung pumasok na ko sa clinic at pinakita ang resulta ng nagawang krimen ng kasama ko.
Doctora: What is this? I don't see anything? (Galet)
Ako: I don't know doctora ( Humble low tone voice) Hindi ko na sinuplong yung ginawa ng kasama kong kups tsaka yoko na din magpaliwanag madugo dugong English din yun pagnagkataon.
Doctora: What you know? Until now you still don't know anything!...
Hindi ko nakalimutan ang linyang yan.. yan! yan! ang eksaktong sinabi nya saken nung mga oras na yun. Feeling ko isang daang beses akong nalagapak ng sampal ni Cherie Gil sa eksena nila ni Sharon Cuneta sa pelikulang "Pangarap na Bituin" .
Hindi lang doon natapos ang lahat madami pang nangyari nun na pang MMK ang tema pero hindi ko na idedetalye
Basta ang araw na yun ang nagpamulat saken na wala na ko sa Pilipinas at ibang mundo na ang ginagalawan ko ngayon
Friday, October 7, 2011
365 days
Dapat malungkot ang magiging tema ng blog ko ngayon pero biglang nagbago ang lahat nung makausap ko ang isa sa espesyal kong kaibigan para akong naturukan ng madaming serotonin at mukhang naoverdose pa ata.
I went Abroad a year ago, hanep! sarap sabihin feeling ko kaya ko pang magtagal dito ng sampung taon pa...JOKE!!! ayoko na pangarapin. haha
Para saken ang dalawang taon ay sapat na para malaman ko kung ano ba talagang plano at gusto ko sa buhay maliban sa pagtulong sa pamilya.
Kumbaga sa history ang pagpunta ko sa Saudi ang Medieval Period ng buhay ko tapos ang pag-alis ko dito ay ang aking Renaissance (Rebirth), gumaganun pa?haha
Masasabi ko sa isang taon na pagtratrabaho ko dito may mga nadiskumbre ako sa sarili ko una, maarte ako. pangalawa, maarte ako. pangatlo, maarte ako. hahaha. Nung nagsabog ata ang Diyos ng kaartehan sa mundo mulat na mulat ako at nagsahod pa ako ng palanggana kala ko kasi kagandahan at kaseksihan ang pinasabog nya.. nagkamali ako.
Pero totoo madami na din akong natutunan dito sa Saudi hindi ko nga lang pinapahalata malay mo may kapangyarihan palang sharingan yung makakakilala saken at maagaw pa ang technique ko. :p
Masaya ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko ng mabuhay ng sa sarili ko lang, na ako na ang bumibili ng sarili kong damit, pantalon, sapatos, tsinelas, brief este panty , toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon, lotion, load, pagkain at madami pang iba na inaasa ko lang sa pamilya ko sa loob ng dalawangpu't tatlo kong pamamalagi sa pilipinas.
I went Abroad a year ago, hanep! sarap sabihin feeling ko kaya ko pang magtagal dito ng sampung taon pa...JOKE!!! ayoko na pangarapin. haha
Para saken ang dalawang taon ay sapat na para malaman ko kung ano ba talagang plano at gusto ko sa buhay maliban sa pagtulong sa pamilya.
Kumbaga sa history ang pagpunta ko sa Saudi ang Medieval Period ng buhay ko tapos ang pag-alis ko dito ay ang aking Renaissance (Rebirth), gumaganun pa?haha
![]() |
| Sa tuwing matatapos ang buwan hindi ko nakakalimutan ekesan ang aming kalendaryo :) |
Pero totoo madami na din akong natutunan dito sa Saudi hindi ko nga lang pinapahalata malay mo may kapangyarihan palang sharingan yung makakakilala saken at maagaw pa ang technique ko. :p
Masaya ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko ng mabuhay ng sa sarili ko lang, na ako na ang bumibili ng sarili kong damit, pantalon, sapatos, tsinelas, brief este panty , toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon, lotion, load, pagkain at madami pang iba na inaasa ko lang sa pamilya ko sa loob ng dalawangpu't tatlo kong pamamalagi sa pilipinas.
At madami akong natutunan sa mga taong nakasalamuha at nakasama ko. Everything has it's own reason and purpose talaga..Salamat at alam kong ginagabayan at tinutulungan ako ng nasa itaas :)
Wednesday, October 5, 2011
Fat's Burner
Pag-umalis ako dito siguro isa sa hindi ko makakalimutan ay ang aming X-ray machine dahil isa ito sa nagbigay ng tuwa at sama ng loob sa akin dito sa Riyadh. Grabe! ang makinang yan ang unang nagpabilis ng tibok ng puso ko sa trabaho.. Dahil minsan ko ng nabagsak ang start button nyan not once but many times. haha.
Pero nung baguhan pa ako nun syempre pag nagkamali ka dapat hindi paulit-ulit kasi nakakasawa din kayang magkamali? e kasi naman nakadikit lang ang start button sa pamamagitan ng magnet kaya madali talaga bumagsak pag nabangga mo lang ng kaunti ( defensive pa ako?) haha .. ewan ko ba basta dati meron talagang pagkakataon na ganoon ako madaling mabagsakan naalala ko tuloy nung mabagsak ko ang Instrument sa Operating Room nung nagpapractical kami sa duty ( nostalgic mode)
Tinatawag ko din yang " Fat's lysis" dahil feeling ko yan ang dahilan kung bakit namamaintain ko ang aking magandang pigura. syempre joke lang. haha kapag sinabi na kasi ng doctora namin na kailangan i X-ray nung pasyente tatakbuhin ko yan dun sa may dulong parte ng clinic at dadalhin sa loob ng clinic namin na dalawampung hakbang din ang layo, bale apat na pung hakbang din ang nilakad ko at hindi sya magaan promise dahil purong bakal at hindi lata.
Tapos pagtapos ma- X-ray nung pasyente idedevelop ko na ang film dun din banda sa lugar kung saan ko kinuha ang X-ray na nadagdagan lang ng 5 hakbang ang layo bale 50 hakbang back and forth kasi kailangan ko ibigay kay doctora ang film na dinevelop ko, bale sa kabuuan siyamnapung hakbang ang nagagawa ko sa isang pasyente lang at... hindi lang isa minsan ang nagpapa x-ray sa isang araw. oha! lakas ko no? :)

Monday, October 3, 2011
5 seconds prayer
Yan! yan ang isa sa mga salarin na nagbibigay ng limang segundong stress saken sa trabaho. Ang tawag dyan ay amalgamator pero para sa akin yan ay " Holy Machine" dahil sa tuwing pipindutin ko na ang start button at nadidinig ko na ang ugong ng makina nagsisimula na kong magdasal. " Lord wag po sanang lumipad wag po sanang lumipad" ng paulit ulit hanggang sa matapos na ang 5 seconds na pagmi-mix.
Promise walang pagkakataon na hindi ako nagdarasal pag ini-start ko na yan dahil ilang beses na lumilipad ang mini-mix nyan na amalgam kulay blue na may combination na red yun yung amalgam - mercury kasi yung nasa loob partially liquid sya na kailangan ng kinetic energy para maging solid ginagamit sa final restoration ng ipin o para takpan ang ngipin na nabutas na parang vulcaseal lang, oha! Ang galing talaga ng tao.
Nagtataka nga ako kasi yung amalgam ay unti-unti ng ini-eliminate sa pilipinas dahil sa mercury content nito na hindi maganda sa katawan pero dito wala pang batas na nagpapatupad na wag gamitin.
Sa hospital nga simpleng thermometer na nilalagay sa kili-kili ng pasyente na may lamang mercury ay pinagbawal na yung nilalagay pa kaya sa bibig na pwede malunok?
Isa pa lang yan sa mga bagay na nagbibigay balakid sa tahimik kong pamumuhay dito sa Saudi meron pa akong 29 days para iwaksi pa ang iba :)
Sunday, October 2, 2011
Break Please!
Lahat tayo nakakaranas ng stress hindi minsan, kadalasan, kundi ARAW ARAW. Hindi ka masasabing tao kung hindi ka nakakaranas nito dahil para itong sumpa na kahit kailan hindi na mawawala sa tao.
Kung nabuhay lang ako sa panahon na pinag-aralan ang Wear and Tear Theory isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng aging process ipapasama ko yung specific stress na dinaranas ng tao na nagiging cause ng aging. naks! parang ang galing ko db?. haha ..kasi naman napapansin mo ba? Yung mga lumang tao? ang tagal ng lifespan nila wala kasi silang masyadong iniisip sa buhay, napakasimple lang ng pamumuhay dati walang condo na dapat rentahan, walang kotse na dapat i change oil, walang bill sa internet, kuryente, tubig, transportasyon, walang boss at katrabaho na dapat pakisamahan dahil magtanim ka lang at mag-alaga ng hayop ay mabubuhay ka na.
At dahil nagiging innovative na ang tao madami ng nadidiskubreng mga gadget tulad ng PS2,PS3, wii, ipad,ipod, touch screen na phone,laptop,netbook. 3D na tv etc.. na hindi mo naman madadala sa langit pag namatay ka yun ay kung doon ka nga mapupunta. At naprepreserve na din ang pagkain ng matagal... na madaming MSG na brain food at Cancer friendly.
Madami na ding mga games ngayon... Puros online games at software tulad ng counter strike, dota, plant versus zombies, angry birds at mga games sa sikat na social network ngayon na facebook mga larong uubusin ang oras at panahon mo sa mundo.. pero hindi ko pa din pagpapalit ang mga laro dati tulad ng patintero, syato, sili - tubig, sungka, black 123, chinese garter, step no, luksong tinik, luksong baka, taguan,. at iba pang laro dati na mas nakakabuhay ng dugo at mas nakakadevelop ng teamwork at pagkakaibigan.
Naalala ko noong bata pa ako gustong gusto ko ng tumanda pero ngayong matanda na ko naiisip ko sana merong pagkakataon na pwede kang bumalik sa specific age na gusto mo kahit 1 year lang sana maimbento na talaga ang time machine ni Doraemon.
Ang akin lang... the more na madaming dinidemand ang tao the more na madaming stress na dumarating sa kanya.. Ano ba tong naisusulat ko flight of idea. haha ang gusto ko lang i point out talaga ay STRESS kasi bilang pag-gunita sa 365 days ko dito sa Saudi isusulat ko sa blog na ito sa loob ng isang buwan lahat ng bagay na nagbibigay sa akin ng stress sa araw araw. :)
![]() |
| Yan ang magiging resulta kapag nagpatangay ka sa sinumpa sa pagkatao mo. |
Friday, September 2, 2011
DEBTly Hallows
Pang apat na beses na akong sumusweldo dito sa Jordan dahil ika-apat na buwan ko na dito (597 days to go! at babalik na ko ng Pinas! YES!) pero hindi ko pa din nararamdaman ang pagyaman ko. Kala ko kasi mabilis lang ang pagasenso kapag nasa ibang bansa ka. Yung para bang "Simeco" lang ang nainisip ko, na kapag nakasahod na, makakaluwang agad at masasabi ko, "Ang bilis no?" Pero hanggang ngayon hikahos pa din ako, walang naipupundar, at baon pa din sa utang sa Pilipinas.
Tama! Etong sobrang mabait niyong lingkod ay may responsibilidad pa na makabayad ng debt (para sosyal) sa Pinas. E isang araw may napansin akong rashes sa binti ko, naisip ko tuloy na pinapakulam na ako ng mga pinagkakautangan ko. Pero siempre joke lang yan dahil alam kong mababait ang mga nagpahiram sa akin. At bilang ganti ay tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamayang marunong magbayad ng kanyang utang.
Anyway, naisip ko na maraming paraan para makabayad ng mabilis:
UNA... Pwede ko silang i-kiss na lang isa-isa. Kasi pakiramdam ko ang worth ng halik ko ay medyo precious. Pero sakaling tumanggi sila sa generous offer ko na kiss ay pumunta tayo sa second way.
PANGALAWA... Pwede ako magpaalila na lang sa kanila at susundin ko lahat ng kanilang pinaguutos. Pero naisip ko na mahirap to. Pano kung sabihin nila na abutin ko ng dila ko ang ilong ko?
Pero eto ang pinakamagandang paraan na naisip ko.. MAGPURSIGI para makabayad ng utang. Pagsisikapan ko na umipon hanggang matapos ko ang pagbabayad. Tipid-tipid muna. Wala munang maluhong gadgets at kain ibon muna. Alam ko mahirap to, pero naman kapag natapos mo ay sobrang saya (parang nailabas mo ang malaki at matigas na ebs) dahil isang malaking accomplishment din yan para sakin. Eto ang pinakamagandang solusyon, ANG PAGSISIKAP.

Subscribe to:
Posts (Atom)